BANGKOK – Babawasan ng Thailand ang visa-free stay ng tourists mula sa 93 countries and territories, kabilang ang Pilipinas, sa hakbang na layong higpitan ang visitor screening, ayusin ang immigration policies, at pigilan ang krimeng kinasasangkutan ng ilang foreign nationals.
Sa kasalukuyang scheme, ang travelers mula sa higit 90 bansa, kabilang ang Europe’s 29-nation Schengen area, United States, Israel, ilang South American countries, at Pilipinas, ay maaaring manatili sa Thailand nang hanggang 60 days nang walang visa.
Inaprubahan na ng Thailand Cabinet ang pagbasura sa 60-day visa-free entry scheme, na kilala bilang P.60. Sa ilalim ng revised policy, babalik ang affected countries sa dating visa arrangements. Karamihan sa travelers ay inaasahang babalik sa standard 30-day visa-free entry system, o P.30.
Ayon kay Tourism Minister Surasak Phancharoenworakul, dedesisyunan ang bagong visa-free duration kada bansa. Karamihan sa foreign nationals ay mabibigyan ng hanggang 30 days, habang ang iba ay maaaring 15 days lamang.
Hindi pa agad epektibo ang pagbabago. Kailangan munang mailathala sa Thailand’s Royal Gazette ang cancellation ng 60-day visa-free measure bago ito maipatupad.
Maaaring mag-renew ang tourists nang isang beses sa immigration office, pero hindi na automatic ang extension.
“The 60 days was automatic but the renewal will be decided by the officer and tourists will have to explain why they are staying longer,” ayon sa pahayag ng Thailand government.
Kasama sa 93 affected countries and territories ang Pilipinas, United States, Japan, South Korea, China, Australia, Canada, United Kingdom, Singapore, Malaysia, at ilang European, Middle Eastern, at Latin American nations.
Dumating ang hakbang kasunod ng serye ng high-profile arrests ng foreigners sa Thailand, kabilang ang mga kasong may kaugnayan sa drug offenses, sex trafficking, at pagpapatakbo ng businesses gaya ng hotels at schools nang walang tamang permits.
Sinabi ni Foreign Minister Sihasak Phuangketkeow na bahagi ito ng crackdown laban sa transnational crime. Hindi umano tinatarget ng Thailand ang partikular na bansa, kundi ang mga indibidwal na umaabuso sa visa system at gumagawa ng krimen.
Ayon kay government spokesperson Rachada Dhanadirek, may pakinabang ang turismo sa kanilang ekonomiya, pero may ilan ding nagsasamantala sa current scheme.
Unang pinalawig ng Thailand ang 30-day visa-free period sa 60 days noong July 2024 para palakasin ang kanilang tourism at economy.
Mahalaga sa Thailand ang tourism dahil bumubuo ito ng higit 10 percent ng gross domestic product. Pero hindi pa rin bumabalik sa pre-Covid highs ang foreign arrivals sa kanilang bansa.
Bumaba ng humigit-kumulang 3.4 percent ang foreign arrivals sa first quarter ngayong taon kumpara sa parehong period noong 2025, habang ang visitors mula Middle East ay bumaba ng halos one-third, batay sa tourism ministry data.
Inaasahan ng Thailand ang humigit-kumulang 33.5 million foreign tourists ngayong taon, mula sa halos 33 million visitors noong nakaraang taon.
Para sa Filipino travelers, posibleng bumalik sa mas maikling stay ang future trips sa Thailand kapag ipinatupad na ang bagong rules. Pinapayuhan ang mga biyahero na bantayan ang official announcements at travel advisories bago mag-book. /Bistado


