Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

EV taxi service na Green GSM, pinutakte ng reklamo

Pinutakte ng reklamo ang ride-hailing company at EV taxi service na Green and Smart Mobility (Green GSM) matapos dumami ang sumbong ng pasahero online tungkol sa umano’y asal, driving style, navigation issues, at pamimili ng pasahero ng ilang driver nito.

Uminit lalo ang usapan matapos mismong Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Markus Lacanilao ang makasagupa ng isang driver ng Green GSM taxi sa Quezon City nitong May.

Nitong May 8, iniulat ng LTO na personal na nahuli ni Lacanilao ang driver ng GSM taxi matapos ang reckless driving incident sa Panay Avenue, Quezon City. Ayon sa initial report, muntik nang tamaan ng taxi ang LTO mobile patrol nang lumipat ito ng lane nang walang signal light. Nang pahintuin ng enforcer, nagtangka umanong tumakas ang driver pero hinabol ito ng LTO.

Binigyan ang driver ng temporary operator’s permit para sa reckless driving at disregarding traffic signs. Pinatawag din siya sa LTO Intelligence and Investigation Division noong May 14 para magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat maharap sa administrative charges, kabilang ang “Signals on Starting, Stopping, or Turning” at “Improper Person to Operate a Motor Vehicle.” Pinatawag din ang owner at operator ng taxi.

Sa mga ulat, inilarawan ni Lacanilao ang ilang driver ng EV taxi service bilang “abusado” at “kulang sa disiplina.” Gumagamit ang Green GSM ng VinFast units sa fleet nito. Parehong konektado ang Green GSM at VinFast sa VinGroup ni Vietnamese billionaire Pham Nhat Vuong.

Pagbabahagi ni Lacanilao, mula nang maupo siya sa sa LTO noong October 2025, marami nang isyung iniuugnay sa ilang Green GSM drivers, kabilang ang banggaan, road rage, at gulo sa charging station.

Sa social media forum na Reddit, naglabas ng karanasan ang isang pasahero na nagsabing okay ang una nilang nasakyan, pero hindi lahat ganoon.

“Noong una, matitino sila. Pero kahapon may nakasabay kami na kaskasero. Biglang liko na lang at hindi nagsisignal. May dent siya sa likod malapit sa Vinfast logo. Nagulat kami at may balasubas pala sila na driver. Nang sumakay kami ng erpats ko sa Green GSM, mabait naman yung mga nasakyan namin. Para nga silang ahente ng EV eh kasi sinagot nila lahat ng tanong namin ni Erpats at sobrang curious kami tungkol sa EV.”

Dagdag pa ng isa: “Ito yung problema pag mas mabilis yung expansion kaysa sa driver screening.”

May isa pang nagreklamo na pinahaba raw ng driver ang biyahe.

“This just happened to me the other day…kuya driver went around and around. Doubled my commute time and fare. But my card payment didn’t push through, and he texted me to GCash. I said I would submit a ticket. Submitted a ticket with complaint + declined payment, no response yet. The driver said he also filed a ticket. Just unlinked my card after reading this post. Will use indrive from now on.”

Sa Facebook, reklamo rin ng isang netizen: “Namimili ng pasahero mga yan. Nakailang para na ako sa mga yan, ayaw magsakay ng malayo.”

Hirit pa ng isa: “Kung may rank ang pagiging reckless driver.. Mga 5 star generals sila.”

Ani Lacanilao, maganda sana ang incentives ng Green GSM para sa drivers, pero problema ang ilang na-hire. Dapat daw manggaling mismo sa kumpanya ang paghihigpit sa hanay nito. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles