Maraming fans ang disappointed dahil last minute nga ay naglabas ng official statement ang kilalang tv host-actor na si Vice Ganda na hindi na siya makakasali sa homecoming concert ni America’s Got Talent season 20 grand winner, Jessica Sanchez.
Ang naturang official statement ay naglalaman ng paghingi ng pang-unawa at pag-apologize ni Vice sa mga umasang isa nga siya sa mapapanood sa naturang concert na ginanap noong May 16 sa Araneta Coliseum.
Ayon pa sa statement, “unavoidable circumstances” ang pangunahing dahilan kung bakit last minute ay kanselado ang appearance ni Vice sa show.
Sa naturang conert na matagumpay ngang na-stage sa harap ng punumpunong audience ay nakitang nag-perform at nakipag-bardagulan sa husay at ganda ng boses ang mga globally renowned artists ng bansa gaya nina Gary Valenciano, Martin Nievera, James Reid, Morissette Amon at Regine Velasquez.
Lahat ng production numbers nila na kasama si Jessica at well-applauded at tunay namang tinilian at binigyan pa ng standing ovation.
“Sayang, hindi nakasama si meme. Yung wit and humor ng show ang kulang sa concert. Kung nandun sana siya, mas lumabas ang pagiging makulit na pinay ni Jessica,” komento ng netizen.
Ayon sa nakausap na source ng BISTADO, nagkaroon daw ng biglaang taping ang game show ni Vice na Everybody Sing, kung saan may mga ilang daang contestants ang umaasa sa kanya o naghihintay na sa studio.
Ayon pa sa nagbalita sa BISTADO, hindi daw na-anticipate yung oras ng pag-start o pagtatapos ng guesting kaya’t minabuti na lang na pumili si Vice ng kanyang uunahin.
Dagdag pa ng parehong source, mayroon daw umanong nakatakdang out fo the country trip si Vice very soon kaya’t kinakailangan nilang mag-taping ng mga episodes ang weekend show na nabnaggit na napapanood nga every Saturday and Sunday.
“Madali namang naunawaan at naintindihan ng mga tao ang nasabing hindi pagsama ni Vice epro marami pa rin ang nanghihinayang sa once in a lifetime opportunity sanang maka bardagulan man lang daw sana ni Vice ang kilalang concert artist kahit sandali lang.
“Well, it’s not the end of everything naman. Baka naman posible pa ang mga susunod lalo’t keri naman ni Vice na sabayan ang husay ni Jessica,” saad pa ng same source.


