Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

‘Donation receipts’ ni nepo kid, legit ba o pang-content lang?

Start ’em young. Trapo tatay, trapo anak.

May isang batang nepo kid na laman ngayon ng bulung-bulungan ng mga kabisto matapos kumalat ang kanyang umano’y “charity drive” mula sa kinikita niya sa live streams.

Sa kanyang mga post, ipinapakita niya ang mga resibo ng sinasabing donasyon sa mga charity. Pero dito nagsimulang umangat ang kilay ng ilan.

Bakit daw laging putol o cropped ang mga resibo? At bakit parang magkakahawig ang format ng mga ipinapakitang proof of payment?

Mas lalo pang uminit ang usapan nang may ilang kabisto na sumubok mag-check sa mga larawan gamit ang online tools. Lumabas daw na mataas ang posibilidad na edited o manipulated ang ilan sa mga ito.

Hindi rin nakatulong ang paliwanag ng nepo kid.

Sa isang mahabang post, sinabi niyang hindi niya alam kung ano ang nangyari sa upload at posibleng naapektuhan ito nang gumamit siya ng AI tool para gumawa ng caption. Giit pa niya, hindi niya gagawin ang mag-fake ng donasyon at malinis ang kanyang konsensya.

Pero para sa mga kabisto, mas lalo raw naging magulo ang kwento.

May mga nagtatanong, kung caption lang ang kailangan, bakit kailangang i-upload pa ang larawan sa ibang platform? At kung may original copy, bakit may ibang bersyon na lumalabas?

Dagdag pa, may mga nagsasabing kung tunay ang donasyon, bakit walang malinaw na kumpirmasyon mula sa mismong recipient.

Sa ngayon, hati ang reaksyon. May naniniwala. May nagdududa.

Clue para sa mga gustong manghula: Anak siya ng isang kilalang politiko sa Metro Manila. Aktibo sa social media at mahilig magbahagi ng kanyang “charity” efforts. Ang kanyang ama naman ay kilalang maboka pagdating sa flood control issues, pero kinukwestiyon ngayon dahil sa matagal na pananahimik sa isang matinding landfill fire.

Yun na. Bistado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles