Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Party-list swap sa gitna ng impeachment?

May isang party-list sa Kamara ang laman ngayon ng bulung-bulungan ng mga kabisto matapos umalingawngaw ang umano’y pressure laban sa kasalukuyang kinatawan nito.

Ayon sa mga kabisto sa Kongreso, pine-pressure daw ang isang party-list congressman na mag-resign para makaupo ang mismong pangunahing funder at may-ari ng kanilang grupo. Hindi na nga raw bago ang ganitong galawan. Matagal na raw itong “arrangement” sa ilang party-list, kung saan nagpapalit ng kinatawan kapag oras na.

Pero sa pagkakataong ito, may ibang angle na pinag-uusapan.

Ayon sa mga kabisto, may mas malalim daw na motibo kung bakit minamadali ang pagpapalit. Ang sinasabing papalit na party owner ay kilala raw na kaalyado ng isang mataas na opisyal na ngayon ay nasa gitna ng matinding isyu kaugnay ng confidential funds at alegasyon ng katiwalian.

May bulung-bulungan na gumagalaw daw ang impluwensiya ng official in question sa loob ng Kongreso para masigurong mabawasan ang mga boto laban sa pagpapatanggal sa kanya. Kaya para sa ilan, hindi lang simpleng reshuffle ang nagaganap, kundi may direktang koneksyon sa mas malaking laban sa politika.

Samantala, ang kasalukuyang party-list congressman na target palitan ay sinasabing malapit sa kusina ng majority bloc. Dahil dito, lalo raw nagiging agresibo ang galaw para siya ay mapaalis sa puwesto, ayon sa House chatter. Wala pang direct link o evidence to prove the connection na ibinibigay ang ating mga kabisto.

Pero get this: mabilis ang takbo ng mga pangyayari. May mga nagsasabing posibleng mangyari ang pagpapalit bago pa magbukas muli ang sesyon ng Kongreso sa May 4.

Clue para sa mga gustong manghula: Ang congressman na pinapainit ang upuan ay may apelyidong katunog ng isang prutas. Ang party owner naman ay may pag-aaring media group at may negosyo rin sa pharmaceuticals at food supplements.

Yun na. Bistado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles