It pays talaga na makipagchikahan sa bellboys ng hotel, mga kabisto.
May isang kwento na umiikot ngayon among the waitstaff and bellboys sa isang bigtime hotel sa South na parang eksena sa pelikula. Ayon sa mga kabisto sa loob mismo ng hotel, muntik na raw mahuli ang isang kilalang tycoon at ang umano’y kalaguyo niyang babaeng politiko mula sa Central Luzon.
Ayon sa bulung-bulungan, may “usual room” daw ang dalawa sa hotel na ginagamit para sa kanilang mga lihim na tagpo. Just recently, bigla raw dumating si ategurl na politiko at tila “in heat,” agad na tumawag sa tycoon na kilala ring may malaking negosyo at impluwensya.
Hindi naman daw nagpatumpik-tumpik si tycoon. Dumating agad sa hotel para tugunan ang “mating call.”
Pero heto ang twist.
Wala pang kalahating oras ang lumipas, biglang nag-radyo ang isa sa mga tauhan ni tycoon. Papunta na raw sa hotel si real housewife.
Dito na raw naging mabilis ang galaw.
Ayon sa mga kabisto, sa loob lang ng ilang minuto, naka-exit na raw ang tycoon at si Ms. Politiko gamit ang mga lihim na hallway ng hotel. Advantage daw talaga kapag ikaw ang may-ari ng lugar.
Pagdating ni legal wife, wala na raw nadatnan. Malinis ang eksena. Parang walang nangyari.
Pero hindi doon natatapos ang kwento.
Ayon sa ibang bulung-bulungan, hindi lang love life ang pinag-uusapan sa naturang politiko. Matagal na rin daw may tanong sa kanyang lifestyle. Mula sa simpleng pinanggalingan, napansin daw ng ilang kabisto ang biglang pag-angat ng antas ng pamumuhay. May mga ulat ng malalaking renovation sa bahay, frequent travel abroad, at iba pang high-end na ari-arian.
Kaya para sa ilan, hindi lang ito simpleng kwento ng lihim na relasyon. May mas malalim pa raw na usapin sa likod ng yaman at koneksyon.
Clue para sa mga gustong manghula. Si girlet, politiko mula sa Central Luzon na kilala sa social media presence, at shiniship din dati sa isang mayor sa Metro Manila.
Ang lalaki, isang tycoon na di lang hotel kundi samu’t saring business under his portfolio.
Pinagmuntik-muntikanang mabisto!


