Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Maliit na TF, hindi tinanggap ni comedian-actress?

Marami ang nag-akala na magtutuloy-tuloy ang pagiging bahagi ng isang kilalang show ni sikat na comedian-actress.

May mga balita dati na si sikat comedian actress ay personal na kinuha ng isang “powerful TV host” upang maging bahagi ng isang show na bagay na bagay daw sa karakter at sa husay magpatawa ni comedian-actress.

Bukod pa sa mga naglabasang tsika at mga sighting kina powerful TV host at comedian-actress, naimbitahan na rin si comedian actress na mag=take part sa isang kilalang segment ng naturang show.

Well-received naman ito hindi lang ng mga live audience at televeiwers,, kundi maging ng mga executives na nagsabing perfect nga kay comedian actress ang naturang show.

Subalit ayon sa mga tsika na nasagap ng BISTADO, mukhang hindi na naman daw umano matutuloy ang nasabing balita dahil may isyu daw sa TF o talent fee na dinemand ni comedian actress.

Ayon pa sa tsika, tila nababaan daw o hindi umabot man lang sa level ng kinikita ni comedian actress ang iniaalok sa kanyang TF para maging parte gn show?

Tinanggihan daw ito ni comedian actress to the dismay of the powerful TV host na nag-recommend sa kanya para sa show.

Dahil napapanood nga daw ang show hindi lang sa Pilipinas, tila hindi daw yata nakita ni comedian actress ang opportunity na pwede niya itong gawing “venue” para sa mga ginagawa niyang shows abroad.

Kung lagi daw kasing nakikita si comedian actress sa nasabing show, mas malaki daw ang pag-asa na mas dumami ang mga inquiries, bookings at iba pang engagement papunta abroad.

Samantala, marami naman ang nagsasabing talaga daw pagdating sa TF o bayad, talaga daw may reputasyon si comedian-actress na mas maging mahigpit at hindi basta-basta nag-aadjust dahil para daw dito ay need na tumbasan ang husay niya ng tamang financial benefit.

Ganun nga talaga siguro ang kanyang imahe noh? Hmmmm….

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles