Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

TV-Host Actress, binuking ang co-host sa ere, tsinugi

Marami ang nakakapansin na tuluyan ng wala sa isang kilalang TV show ang isang beteranang TV Host-Actress.

Ayon sa mga kuwento, napansin ng marami na kung dati ay araw-araw itong napapanood sa TV, dumating daw sa pagkakataon na biglang nabawasan ang exposure nito.

Naging three times a week, hanggang sa maging once a week  na lang, at nitong huli ay tuluyan na itong hindi napapanood.

Sa pakikipag-Marites-an ng BISTADO sa ilang sources, nagsimula umano ang lahat nang sa isang portion ng show ay tila inokray nito ang isang co-host tungkol sa madalas umano nitong paggala sa gabi sa mga lugar na maraming sugalan at boys’ bar.

Tila hindi umano ito nagustuhan ng naturang co-host na unti-unti palang kinausap ang upper management para pagsabihan ang tv host-actress.

Doon na nga daw nagsimulang limitahan ang exposure ni tv-host actress hanggang sa tsugihin na ito ng tuluyan.

Ang ipinagtataka ng marami ay kung bakit imbes umanong maging parehas ang management sa ipinataw na parusa kay tv host-actress at sa co-host nito ay bakit ang una lang ang pinatawan ng parusa?

Hanggang sa kumalat nga ang tsismis na ang isa palang nasa upper management ay kasa-kasama ni co-host sa mga naturang “galaan” at madalas ding nasa mga sugalan kasama ni co-host.

Ang kanilang laging ‘excuse’ ay naka-book umano si co-host sa naturang mga venues bilang host ng show o performer ng mga special shows dito.

Samantala, pansamantalang tahimik ngayon ang kampo ni tv-host actress at balitang abala ito sa isang tv series bilang isa sa mga nagbibidang aktres. 

Clues: si tv host actress ay galing sa angkan ng mga artista at isa rin siyang multi-media personality dahil nagsusulat at may vlog din siya habang si co-host ay isang kilalang producer at main actor din na sinasabing may “powers” pagdating sa tv production.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles