Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

49 gov’t contracts ng GenCorp sinilip sa Day 28 ng VP Sara impeachment trial

Umabot sa 49 government contract awards na nagkakahalaga ng P35,878,188 ang naitala sa GenCorp Industries Inc. habang nanunungkulan bilang bise presidente si Sara Duterte, ayon sa Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) records na iniharap sa Day 28 ng kanyang impeachment trial. 

Sakop ng mga rekord ang July 21, 2022 hanggang June 2026.

Kasabay nito, nanatiling sentro ng pagdinig ang magkaibang government records tungkol sa idineklarang interes ni Duterte sa GenCorp. Nakasaad sa kanyang 2024 at 2025 Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) na stockholder siya ng kumpanya at nakuha ang interest noong 2013. 

Pero ayon sa testimony ni Securities and Exchange Commission (SEC) Company Registration and Monitoring Department Director Atty. Gerardo Del Rosario, hindi lumitaw ang pangalan ni Duterte sa mga incorporation papers ng GenCorp o sa mga General Information Sheet na iniharap sa korte.

Kasunod ng SEC testimony, iniharap ng prosecution si PhilGEPS Division Chief Rendell Sopeña.

“The search resulted in 49 awarded contracts to GenCorp,” sabi ni Sopeña.

Sa 49 awards, 15 mula sa Davao City ang nagkakahalaga ng P34,216,900. May 33 mula sa PhilHealth Region XI na P1,331,288 at isa mula sa OWWA Region XI na P330,000.

“A total of ₱35,878,188,” ani Sopeña nang tanungin sa kabuuang halaga.

Mula sa PhilGEPS repository ang contract count at amounts. Nag-extract ang opisina ni Sopeña ng 231 kaugnay na dokumento na may kabuuang 484 pages at naghain ng printed at electronic copies sa impeachment court.

Hindi pinatunayan ng procurement testimony na may iregularidad sa 49 awards. Ang dokumentado nito ay ang bilang, halaga, timing at procuring offices ng government transactions na nakatala sa pangalan ng GenCorp.

Nang tanungin tungkol sa SALNs ni Duterte at SEC records na hindi naglista sa kanya sa GenCorp, sinabi ni prosecution spokesperson Zia Alonto Adiong na binibigyan ng prosecution ng bigat ang sworn declaration.

“The higher is the one declaring the asset,” ani Adiong. “Dapat doon tayo maniwala because that’s her SALN.”

“Sinumpaan niya iyon. Dineklara niya iyon sa dalawang taon,” dagdag niya.

Ayon naman kay House prosecution adviser Ace Barbers, may bigat ang disclosures sa SALN dahil sinumpaan ang mga ito.

“Once it is discovered that you have pagsisinungaling o pagtatago dito sa iyong disclosure, mayroon kang pananagutan na dapat harapin,” sabi ni Barbers.

Sa Day 28, nanatili ang factual issue na inilatag ng prosecution: idineklara ni Duterte sa kanyang SALNs ang GenCorp stockholding na hindi lumitaw sa SEC records na iniharap, habang ipinakita ng PhilGEPS records ang 49 government contract awards sa kumpanya sa panahon ng kanyang vice-presidential term. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles