Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Palasyo sa DOH: Bilisan medical aid claims ng mahihirap

Bilisan ang pagproseso at pagbabayad ng medical assistance claims para agad makinabang ang mga pasyenteng kapos sa pera.

Ito ang direktiba ng Malacañang sa Department of Health (DOH) kaugnay ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program matapos maiulat ang pagkaantala ng ilang claims nang ilang buwan.

Inatasan ni Executive Secretary Ralph Recto ang DOH na makipag-ugnayan sa regional directors at partner hospitals para beripikahin ang accounts payable at agad iproseso ang valid claims.

“Let us continue coordinating with the regional directors, verify the accounts payable and process the valid claims promptly. These funds are available to support our patients and our partner hospitals,” ani Recto.

Saklaw ng MAIFIP ang tulong para sa hospitalization, gamot, emergency treatment, professional fees at iba pang medical expenses.

Nag-release kamakailan ang Department of Budget and Management ng P27.4 bilyon sa DOH para sa pagpapatupad ng programa sa ilalim ng 2026 national budget.

Sa naturang halaga, P19.145 bilyon ang mapupunta sa DOH Centers for Health Development para sa medical assistance sa pamamagitan ng regional networks at partner health facilities.

May P4.353 bilyon naman para sa DOH hospitals habang P2.910 bilyon ang inilaan sa Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children’s Medical Center at Philippine Heart Center.

Makakakuha rin ang University of the Philippines-Philippine General Hospital ng P950 milyon habang P52 milyon ang nakalaan sa drug abuse treatment and rehabilitation centers.

Nasa P51.6 bilyon ang kabuuang pondong inilaan para sa MAIFIP sa 2026 budget. Nasa P24.2 bilyon naman ang nakapaloob sa proposed 2027 budget.

Naharap din sa puna ang programa matapos tawagin ng ilang budget watchdogs ang MAIFIP na posibleng “soft pork barrel” at igiit na dagdagan na lamang ang subsidiya para sa PhilHealth.

Sa direktiba ng Palasyo, kailangang beripikahin ng DOH ang accounts payable at bilisan ang pagproseso ng valid claims para maihatid ang nakalaang medical assistance sa mga kwalipikadong pasyente. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles