Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

3 most wanted tiklo sa Laguna, Rizal, Isabela

Tatlong most wanted persons na nahaharap sa carnapping at magkakahiwalay na qualified rape cases ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa Laguna, Rizal at Isabela.

Isinagawa ang magkakahiwalay na operasyon mula August 14 hanggang 15. Kabilang sa mga nadakip ang isang National Most Wanted Person ng Region 4A at dalawang No. 4 Regional Most Wanted Persons.

Sa Calamba City, Laguna, inaresto noong August 14 ang itinuring na National Most Wanted Person ng Region 4A.

Isinilbi laban sa akusado ang warrant of arrest dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016. Nasa kustodiya na siya ng pulisya.

Sa Taytay, Rizal, bumagsak naman sa operasyon noong August 15 ang No. 4 Most Wanted Person ng Police Regional Office 4A.

Nahaharap ang akusado sa 24 na bilang ng qualified rape at kasalukuyang nakapiit sa Taytay Municipal Police Station.

Sa Tumauini, Isabela, inaresto rin noong August 15 ang No. 4 Most Wanted Person ng Police Regional Office 2.

Limang bilang naman ng qualified rape ang kinakaharap ng akusado, na agad ding isinailalim sa police custody. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles