Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

2.7-K trike drivers sa Legazpi, tatanggap ng P1-K fuel subsidy

Mahigit 2,700 kuwalipikadong tricycle driver sa Legazpi City ang tatanggap ng tig-P1,000 fuel subsidy mula sa lokal na pamahalaan sa August 6.

Layunin ng ayuda na maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis at matiyak ang sapat na pampublikong transportasyon sa pagdagsa ng mga residente at turista para sa 2026 Ibalong Festival.

Ayon kay Mayor Hisham Ismail, inaprubahan ang tulong sa pamamagitan ng isang ordinansa sa suporta ng 17th Sangguniang Panlungsod.

Inaasahan ding mahihikayat ang mga tricycle driver na sundin ang aprubadong pamasahe ng lungsod habang ginaganap ang festival.

“With the subsidy, tricycles are expected to be available, especially as the Ibalong Festival opens the following day,” ani Ismail sa panayam sa telepono nitong Miyerkules.

Hindi lamang umano panggatong ang layunin ng subsidy dahil maaari rin itong makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya ng mga driver.

“Not only is this for the Ibalong Festival, but it is also meant to provide relief to their families. It will also augment their fuel expenses as fuel prices continue to rise,” dagdag ng alkalde.

Isang beses pa lamang ipamamahagi ang subsidy batay sa kasalukuyang ordinansa. Maaari namang pag-aralan ng city government ang katulad na ayuda kung mananatiling mataas ang fuel prices at may pondong mailalaan.

“As of now, it is a one-time subsidy because that is what has been approved under the ordinance. It will depend on whether the situation continues and if we can allocate funds in the future,” ani Ismail.

Malaking tulong naman ito kay Joel Del Ayre, 38, ng Barangay 16, Kawit East Washington Drive, na planong gamitin ang pera upang palitan ang pudpod na gulong ng kanyang tricycle.

“I will use it to buy a new tire because that’s what I need most to keep working,” ani Del Ayre.

Gagamitin naman ni Michael Marzan, 47, ng Barangay 51, Buyuan, ang ayuda para sa gastusin ng kanyang pamilya.

Ipamamahagi ang subsidy isang araw bago ang pagbubukas ng Ibalong Festival. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles