Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Zephanie, maghahanda nang maging P-Pop idol

Love na love talaga ng viewers ang musical drama ng GMA Afternoon Prime na “Born to Shine.” Marami ang na-hook dahil very inspiring ang kuwento nito tungkol sa pag-abot ng pangarap at relevant din lalo na ngayong marami ang sumisikat na mga P-Pop group.

Komento ng netizens sa YouTube channel ng Kapuso Network, “Nakakabitin lagi. Ang ganda ng kwento nakakaiyak. Naaadik na ako sa palabas na ‘to!!!”

Malapit nang maabot ni Jennie (Zephanie) ang biggest dream niyang makapasok sa bootcamp at mag-training para maging ganap na P-Pop idol. Pero bago mangyari ‘yan, kailangan muna niyang makuha ang suporta ng kanyang inang si Minchie (Manilyn Reynes). Ready na ba siyang pakawalan ang anak at pasukin ang magulong mundo ng mga idol?

Marami pang pagsubok na haharapin ang bidang si Jennie, kaya tumutok lang sa “Born to Shine,” 2:30 p.m. mula Lunes hanggang Sabado sa GMA-7.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles