Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

ABS-CBN alleged family feud etc, pinag-uusapan, dinedepensahan

Tinawag na “PR attacks” at “repeated lies” ng pamunuan ng ABS-CBN ang diumano’y nagmula sa isang Lopez Inc. director laban sa Kapamilya Network.

Nag-ugat nga iyan sa sinasabing away-pamilya ng mga Lopez na ang majority group ay pinangungunahan ni Eugenio “Gabby” Lopez at ang minority group ay pinangungunahan naman ng pinsang nitong si Federico “Piki” Lopez.

Batay sa statement na inilabas ng ABS-CBN dinenay ng management ang alegasyong ang mga retired top executives lamang ang makikinabang sa PHP2 billion “capital infusion” na hinihingi umano ng network mula sa parent company na Lopez Inc.

May pasabog din ang naturang statement na ang ‘source’ diumano ng mga pag-a-atake ngayon sa kumpanya ay siya ding ‘director’ na nag-propose na ipasara ang network at tila wala itong pakialam sa “obligations” ng kumpanya sa mga empleyado.

Bahagi ng inilabas na statement, “Records also show that the majority of the directors strongly argued for continued financial support for ABS-CBN rather than liquidation to address the welfare of the company’s employees and retirees, as well as its other stakeholders.”

Sa gitna ng ganitong sigalot at intriga kanya-kanyang labas naman ng pagpapahayag ng suporta ang ilang Kapamilya artists.

Nangunguna diyan ang mag-partner na sina Coco Martin at Julia Montes, gamit pa ang opisyal na logo ng kanilang CCM Productions kung saan sinasabi nilang lubos nilang nauunawaan at sinusuportahan ang pinagdadaanan ng kumpanya. “We believe that ABS-CBN will rise again,” bahagi pa ng statement.

“I stand with ABS-CBN. I stand with my Kapamilyas,” sigaw naman ni Shaina Magdayao sa kanyang IG account. 

Post naman ni JM de Guzman gamit ang @1miueldeguzman, “simula aking pagkabata hanggang tumanda, nadapa at bumangon, nandiyan ang ABS-CBN na tumayo bilang pangalawa kong pamilya.”

Ang iba pang celebrities na nag-repost ng official statement ng ABS-CBN at nagpahayag din ng kanilang suporta at pagrespeto ay sina Robi Domingo, Bianca Gonzales, ang mag-asawang Mela at Jason Francisco, Ogie Alcasid at marami pang iba.

Samantala, may opinyon din sa online world ang mga ordinaryong manonood.

“En penas, money is always thicker than blood,” saad ng isang netizen.

“Nakakaawa mga Bilyonaryo,” sabad ng isa.

“And nakakaloka ang term na Kapamilya ng TV network nila but silang magkaka pamilya ang nag aaway diba, ” hirit ng ilan.

Opinyon naman ng iba pa, “Dapat yung mga artista, bantayan ang mga shares na binayad sa kanila kapalit ng trabaho. Baka biglang mag declare ng bankruptcy.”

May palitan naman ng kuro-kuro ang isang fan site.
“Yung isa syempre business without feelings, e lugi na edi isarado na, may point naman sya yung iba gusto kukuha ng funds sa ibang bansa na successful to Save abs cbn e a Big No yan.”

“On the other hand, may feelings may malasakit meron parin pala 4,000 employees, nangako sila dito sa mga tao.”

“Mayaman pa rin ang mga lopez, e let go na nila itong abs cbn na sakit sa ulo e they have other companies na doing well they’ll be ok e paano yung mga nag work sa kanila di naman lahat yan makukuha sa gma at tv5.”

“Yung mga galit sa lopez at abs cbn kung magsara na nga itong abs cbn akala nyo ba maghihirap ang mga yan? Kakain ng sardinas at Tuyo? Jan kayo mali dahil ang yaman parin ng pamilya na yan isipin nyo naman ang pamilya ng mga empleyado nila buti nga nilalaban pa nila e.”

“Ganyan ang mga mayayaman and mga powerful, tatago sila sa likod ng mga employees and civilians. Basta bayaran nila ng tama sila at tapos ang usapan.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles