Patuloy na sinusubaybayan ang hit GMA Afternoon Prime series na “Born to Shine.”
Bukod sa mataas na ratings at online views, lagi ring nakatatanggap ng positive feedback mula sa viewers ang programa. Komento ng ilang netizens sa GMA Network YouTube channel, “Ganda talaga ng Born to Shine. Lagi kong inaabangan ‘to ang galing ng mga artista. Nakakadala ang emosyon. Tuwang-tuwa rin ako sa grupo nila ang gandang panoorin kapag nagpe-perform sila.”
Samantala, nangangambang magkalamat muli ang gumagandang relasyon nina Jeni (Zephanie) at Megan (Olive May). Mabibisto na ba ni Megan na half-sister niya si Jeni? Kanino mapupunta ang loyalty ni Megan? Sa sarili niyang ina o sa Yumi, ang grupong napapamahal na sa kanya?
Subaybayan ang “Born to Shine” mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA-7 at Kapuso Stream.


