Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Zephanie at Olive May, magbabati na?

Trending at laging pinag-uusapan ng mga bagets na nangangarap maging kilalang singer sina Dimaranan Zephanie at Olive May

Ang mga eksenang biritan at pagalingan ng boses ang laging tinututukan tuwing hapon ng mga Kapuso sa top-rating GMA Afternoon Prime series na “Born to Shine.”

Marami ang nag-aabang kung malalaman na ni Jeni (Zephanie) ang katotohanan na magkapatid sila sa ama ni Megan (Olive May). 

Komento ng avid viewers sa YouTube channel ng GMA Network, “Malapit na ang exciting part magkakaalaman na! Grabe ang ganda talaga ng palabas na ‘to! Ang gagaling nilang umarte lahat.”

 Pero sa halip na magkaayos ang dalawa, lalo pang tumitindi ang inggit ni Megan kay Jeni dahil sa pag-angat ng career nito bilang leader ng YUMI.

 May chance pa bang magkabati sila at tanggapin ang isa’t isa bilang tunay na kapatid? Abangan ang “Born to Shine” mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA-7.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles