Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Wency Cornejo, binalaan ang producer ng ‘Cup of Joe’; Davao concert, postponed na!

Kilalang supporter ng mga Duterte ang kilalang musikero at singer na si Wency Cornejo.

Kahit nga madalas siyang ma-bash ng mga kontra Duterte, hindi nagpapatinag ang musician-producer na magpahayag at laging magbigay ng kanyang opinyon sa mga nangyayari sa bayan, partikular na ang mga isyu sa Duterte.

Kaya naman hindi na nagulat ang marami ng ultimo ang post naman ng isang kapwa nasa music industry ay kanyang punahin at “balaan” pang malamang na hindi magtagumpay sa kanilang upcoming concert sa Davao City.

Ang tinutukoy ng netizen ay ang naging sagot ni Wency sa post ng lead vocalist na si Gian Bernardino ng ngayo’y sikat na sikat na “Cup of Joe” band.

Sambit  ni Gian sa kanyang socmed post habang nasa kalagitnaan ng promotion ng naturang Davao City concert, “who’s most likely to survive a zombie apocalypse?,” kaugnay ng isang online game na marahil ay nilalaro ng bokalista.

Itinuro umano ni Gian ang kanyang sarili, sabay sabing “Duh, ‘di nila hinahabol ang mga bobo,” obviously referring daw sa mga DDS o mga Duterte supporters.

Sinundan pa daw at nag-share pa si Gian ng screenshot ng naturang game with his quote. 

Nilagyan niya ito ng caption na, “Swerte ng mga dds kung sakali [green heart emoji].”  

Para nga daw kay Wency, isa itong pang-aalipusta kaya’t sumagot ito ng patanong sa kanyang socmed post,“Sino kaya producer ng show ng Cup Of Joe sa Davao? Naku mag isip isip ka na…”

 Sa tingin daw kasi ng music artist, tila multo ang magiging audience o lalangawin umano ang nakatakdang concert ng naturang OPM band na Cup of Joe sa Davao City.

Magmumukhang estranghero umano ang banda sa naturang siyudad dahil sa pambabastos umano nito sa mga Davaoeño.

Sa latest development na nakalap ng BISTADO ang nakatakdang “Stardust” Davao City concert na naka-iskedyul dapat ngayong May 30, ay na-postponed na at sinabing nang dahil umano sa conflict sa schedule ng banda.

Ayon sa pa kaugnay na ulat, mayroon umanong ‘awarding event’ na dadaluhan ang banda kaya’t wala silang maibibigay na petsa kung kailan sila mag-concert sa Davao.

Subalit ayon naman sa marami ay malamang ay natakot nga lang ang mga ito dahil nga sa pagkanti nila sa mga DDS.

Na-move din sa September ang nakatakda nilang concert sa Cagayan de Oro City, habang pinaghahandaan na nila ang ‘Sandali: The Cup of Joe Music Fest’ ngayong May 23 sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles