“Dinaan sa pagtapik, pero effective,” sigaw ng netizen sa naging gesture ni James Reid kay Daniel Padilla nang magkasama ang dalawa sa isang event kamakailan.
Kapwa may mga endorsement na bahagi ng isang event ang dalawang hearththrobs at matinee idols kaya nagkasama at magkatabi pa sa upuan ang dalawa.
Sa parteng ini-interview ng event host ang bawat isa, kalmado at kinikilig ang mga fans sa mga isinasagot ng bawat isa.
Bihira kasi yung pagkakataon na ang dalawang dating sikat na sikat na mga aktor kasama ang mga ka-love team nila ay magkasama at magkatabi pa sa isang event.
Nang turn na nga daw ni James na sagutin ang tanong hinggil sa kanyang mga projects, kaswal umano itong nagbalita na masaya ang taping para sa present series na ginagawa niya bilang kanyang pagbabalik telebisyon.
Subalit tila napansin daw nitong may ibang tinitingnan si Daniel habang siya’y sumasagot ng naturang tanong, kaya’t bago daw nitong banggitin ang mga mga co-stars niya sa nasabing series, “tinapik” daw nito ang katabing aktor.
“We’re shooting a teleserye, malapit na actually, ‘Someday, Somewhere’..Of course with me…,” ang tila pabitin pa daw nitong sambit bago sinabi ang name ni Kathryn Bernardo, sabay tapik daw uli sa katabing si Daniel.
Makailang beses nga daw na “tinapik” si Daniel ni James na para daw bang bumubusina at nagpapasintabi sa katabi dahil alam o aware daw ito sa naging hindi rin magandang ‘break-up nina Kath at Daniel.
Sey ng netizen, “ganun talaga ang mga totoong disente at magalang na lalaki. Wala naman siguro siyang ibig na palabasin o ipakahulugan. Nagpaka-gentleman lang marahil si James.”
Agad naman daw itong naunawaan at nakuha ni Daniel kaya sinuklian nito ng “ngiti” ang magandang gesture ng katabi.
Sa naturang series na mapapanood soons a ABS-CBN Kapamilya Channel, makakasama nina Kath at James si Maja Salvador, na magbabalik teleserye din para sa Kapamilya network.
Matatandaang halos magkakasunod na nabuwag ang mga tandems ng tatlo sa sinasabing mga pinaka-sikat na loveteams sa showbiz nitong dekada ng 2010-2020, ang Kathniel nina Kathryn at Daniel na tumagal ng 11 years, ang Jadine nina James at Nadine Lustre na umabot ng 7 years at ang Lizquen nina Liza Soberano at Enrique Gil na umabot din 7-8 taon.
Lahat sila ay naging real-life boyfriend-girlfriend din bago nag-break at na-involve sa ibang mga celebrity.


