Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Warrant of arrest vs Basilan mayor, 7 iba pa ipatutupad na

Ipatutupad na ang mga warrant of arrest laban kay Hadji Muhtamad Mayor Arsina Kahing Nanoh, kanyang asawa at iba pang akusado sa mga kasong murder at frustrated murder matapos ibasura ng korte sa Basilan ang kanilang mosyon para sa reinvestigation.

Sa kautusan nitong Huwebes, September 10, ibinasura ni Regional Trial Court Branch 2 Presiding Judge Joseph Wee Sit sa Isabela City ang dalawang “Very Urgent Motions for Reinvestigation and to Recall Warrant of Arrest.”

Inalis din ng korte ang August 24 order nito na pansamantalang pumigil sa law enforcement agencies na ipatupad ang mga warrant.

“The warrant of arrest issued against the accused in this case is declared in full force and effect,” ayon sa korte.

Kabilang sa mga akusado sina Mayor Nanoh, asawa niyang si Nadz Nanoh, Walihiul Allama, Hadji Rahim Kahim, Lucman Kahing, Tudy Bayro, Singh Hassan at pitong John Does.

Nag-ugat ang mga kaso sa insidente noong May 12, 2025 malapit sa Barangay Sangay Big, Hadji Muhtamad, Basilan, na ikinasawi nina Ben Bakil, Murasidol Abdurahman at Samir Jamiri Allil at ikinasugat ng ilang iba pa.

Si Abdurahman ay poll watcher noong May 12 midterm elections, habang sina Bakil at Allil ay mga supporter ni dating Hadji Muhtamad mayor Jamar Mansul, na noon ay tumatakbo bilang mayor laban kay Nanoh.

Nakapaloob ang mga reklamo sa Criminal Case Nos. 9965 at 9966 para sa frustrated murder at Criminal Case No. 9967 para sa murder.

Humiling ang mga akusado ng reinvestigation batay sa tinawag nilang “newly obtained evidence,” kabilang ang November 2025 police administrative decision na kumilala sa insidente bilang legitimate encounter at nag-absuwelto sa ilang police personnel sa administrative liability.

Hindi ito tinanggap ng korte dahil available na ang naturang desisyon ilang buwan bago naglabas ang prosecutors ng July 2 resolution na nagrekomenda ng pagsasampa ng kaso.

Binigyang-diin din ng korte na administrative liability ng mga indibidwal na hindi akusado sa criminal cases ang sakop ng police decision, at hindi ang criminal liability nina Nanoh at kanyang mga co-accused.

Ibinasura rin ang pagkuwestiyon sa awtoridad ng prosecutors na nagsagawa ng preliminary investigation at pinagtibay ang naunang finding ng probable cause.

“The circumstances in this case clearly point to the existence of probable cause,” ayon sa korte.

Dahil sa September 10 ruling, full force and effect na muli ang mga warrant laban kay Nanoh at kanyang mga co-accused at maaari nang ipatupad ng mga awtoridad. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles