Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Vivant Energy binili ang developer ng 200-MW wind farm sa Samar

Buong nakuha ng Vivant Energy Corp. (VEC) ang Samar Philippines Renewable Corp. (SPRC), developer ng 200-megawatt wind farm sa Northern Samar, bilang bahagi ng pagpapalawak nito sa renewable energy.

Sa pamamagitan ng renewable energy arm nitong Vivant Renewable Energy Corp., binili ng VEC ang SPRC mula sa Envision Energy Philippines Corp. Hindi ibinunyag ang financial terms ng deal.

Saklaw ng wind farm ang apat na munisipalidad sa Northern Samar. Target itong matapos at maikonekta sa power grid sa katapusan ng 2028.

Kapag operational na, inaasahang lilikha ang proyekto ng nasa 695 gigawatt-hour na clean energy kada taon. Sapat ito para suplayan ang mahigit 190,000 households at mabawasan ang carbon dioxide emissions ng humigit-kumulang 487,000 metric tons kada taon.

Bahagi ang acquisition ng “30 by 30” goal ng VEC para palawakin ang renewable energy capacity nito. Nasa 36 percent ng project capacity ang na-award na sa ilalim ng fourth Green Energy Auction Program (GEA-4), habang ang natitirang volume ay saklaw ng kasunduan sa isang retail electricity supplier.

Mananatili namang katuwang ng VEC ang Envision Energy, na orihinal na nag-develop ng proyekto, sa pagbibigay ng technical expertise at suporta hanggang sa umusad ang proyekto sa construction at commercial operation.

Kasabay ng expansion plans, naglaan ang Vivant Corp. ng halos P67 billion para sa energy at water operations nito hanggang 2030. Humigit-kumulang 90 porsiyento ng pondo ang mapupunta sa sektor ng enerhiya.

Target ng kumpanya na palakihin ang total generation capacity nito sa 1,000 MW pagsapit ng 2030, kung saan hindi bababa sa 30 percent ang magmumula sa renewable sources. Sa kasalukuyan, may 471 MW power capacity ang Vivant.

Kabilang sa recent milestones ng kumpanya ang secured contracts para sa solar projects sa Bohol at Bataan, capacity expansions ng power facilities sa Palawan, at joint venture para sa seawater desalination plant na magsusuplay ng malinis na tubig sa Metro Cebu. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles