Isinailalim na naman sa yellow alert ang Visayas grid nitong Martes dahil nananatiling unavailable ang ilang malalaking coal-fired power plant units habang tumataas ang demand sa kuryente.
Sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ipatutupad ang yellow alert mula 3 p.m. hanggang 9 p.m.
Ayon sa NGCP, nasa 2,542 megawatts ang available capacity ng Visayas grid, habang inaasahang aabot sa 2,412 megawatts ang peak demand.
Dahil dito, manipis ang reserve margin at hindi sapat para sa required contingency level ng grid.
Kabilang sa mga pangunahing dahilan ang forced outage ng apat na generating units mula sa malalaking coal-fired power plants.
Ito ang Units 1 at 2 ng Therma Visayas Inc., Unit 3 ng Panay Energy Development Corporation, at Unit 2 ng KEPCO-SPC Power Corporation.
Ayon pa sa NGCP, may 10 power plants na kasalukuyang naka-forced outage.
Siyam na units ang offline mula May, isa mula March, tatlo mula 2025, dalawa mula 2024, dalawa mula 2023, at isa mula 2021.
Bukod dito, 11 mas maliliit na power plants ang tumatakbo sa reduced capacities.
Umabot sa 996.4 megawatts ang kabuuang unavailable capacity sa Visayas grid.
Sinabi ng energy officials nitong Monday na may coordinated measures nang ginagawa para tugunan ang supply situation, kabilang ang deployment ng power barges at generator sets, para makatulong na masiguro ang sapat na suplay ng kuryente sa Visayas.
Ang yellow alert ay inilalabas kapag bumababa ang operating reserves sa required contingency level. Ibig sabihin, masikip ang power supply situation, pero hindi ito awtomatikong nangangahulugan ng service interruptions. /Bistado


