Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa madlang pipol kung ano ang real score sa kumakalat na viral video hinggil sa umanoý isnaban nina Heart Evangelista at Vice Ganda.
Nangyari ito sa anniversary concert ni Yeng Constantino kamakailan sa Araneta Coliseum kung saan kapwa namataan ang dalawa among Yeng’s friends na sumuporta sa concert-artist.
Balita ding nang dahil sa imbitasyon ni John Pratts na siyang direktor ng naturang concert kaya mas pumayag si Heart na manood dahil lately nga ay tila muling na-rekindle ang maganda nilang friendship na nagbabadya nga daw ng future collaboration either by having them as partners o kukunin ni Heart si John to direct her shows.

Anyway, ang asawa mismo ni John na si Isabel Oli ang katabi ni Heart sa upuan at everytime ngang nakukunan daw ng kamera si Heart sabay flash sa mukha ni working John as director, ito mismo ang kinikilig.
Samantala, nasa bandang likuran lang naman nila nakaupo si Vice Ganda kasama ng ilang kaibigan kaya’t napaka-imposible daw na hindi sila magbatian lalo’t kapwa din sila na-pa-flash sa giant screen.
Kaya daw ng matapos ang concert kung saan nga may video na kumakalat na halos binati at bineso lahat ni Vice Ganda ang mga nakitang kaibigan o supporter ni Yeng, tila iniwasan naman nito si Heart.
Kahit si Isabel Oli na katabi ni Heart ay bineso ni Vice, kaya’t mas naging very obvious ang pag-iiwasan nila.
May kuha pa ang video na tiningnan ni Heart si Vice Ganda pero tila walang nakita ang host-actor.
Matatandaang nagkaroon ng tila ‘rift’ ang dalawa nang minsang maglitanya si Vice Ganda sa socmed laban sa nakita niyang “bulok na school”sa Sorsogon.
Ayon sa nooý talak ni Vice na naiyak siya nang minsan siyang maimbitahan sa lugar to perform at may pinuntahan siyang lugar sa probinsya nina Sen. Chiz at Heart.
Bukod nga daw sa bulok na school ay wala itong reading materials kaya’t kanya daw itong ipinagawa at nag-ambag din ng mga reading materials at konting fund para sa mga teachers at students ng naturang school.
Ang PA (Personal Assistant) ni Heart na si Resty Rosell ang nag-react sa mga nooý sinabi ni Vice Ganda at ipinagtanggol syempre nito ang amo pati na ang asawa nitong si Sen.Chiz.
Naging very vocal naman si Vice Ganda sa mga pasaring at kantiyaw niya sa mga opisyal ng gobyerno na para sa kanya ay “inutil at walang silbi” sa bayan


