Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Dylan Menor, nag-sorry kay Vehnee Saturno

Ang Vibe+PH host na si Dylan Menor ay agad na nag-apologize sa beteranong music producer and noted composer Vehnee Saturno matapos mag-post ang huli sa socmed ng kanyang pagkadismaya sa “snub” dito bilang composer.

Nag-rilis kasi ng kanyang cover version si Dylan ng kantang “”Sa Aking Puso,” isang likhang awitin ni Vehnee na pinasikat ni Ariel Rivera noong 90’s.

Ini-launch ang naturang cover version sa Vibe+PH show sa TV5 last Saturday, August 29, kung saan nga main host si Dylan.

Well-received ang naturang version lalo na ng mga new generation of music lovers kaya sobrang ini-acknowledge ni Dylan ang lahat ng naging bahagi ng naturang kanta.

Sa isang bahagi pa ng launch ay may ipinalabas na video message mula mismo kay Ariel Rivera, ang nooý tinawag na “Kilabot ng mga Kolehiyala,” at binati nito si Dylan bilang bagong nagbigay buhay sa kanyang kanta.

Sobrang elated ta proud naman itong ini-acknowledge ni Dylan na tinawag na idol si Ariel at  binanggit ang inspiration na naibigay sa kanya ng original singer  subalit hindi nga nito na-mention ang composer at producer ng original song na si Vehnee Saturno.

Bunsod nito at dahil napanood ng composer-producer ang naturang show, mabilis itong nag-litanya ng kanyang hinanakit at tila tampo sa nangyari.

Post nito sa kanyang socmed, (published as is): 

“Was able to watched the launching of Sa Aking Puso by Dylan Menor, si Ariel Rivera ang pinasalamatan. Ba’t ganon? I’m the COMPOSER of the song!. Pakilinaw po Vibe PH, Tv5 and Universal Music. Parang MALI!”

Mabilis namang umaksyon si Dylan at ang representative ng TV5 at Vibe+PH show na si Jillmer Dy.

Nag-reach out sila kay Vehnee through the socmed at magkahiwalay pa silang nag-post ng paghingi ng apology sa kilalang composer at music producer.

Paliwanag ni Dylan, “I have so much respect and gratitude for Sir Vehnee, not only as the composer of the song but also as the producer for my version. I’ve already reached out to him personally to thank him for this opportunity. I truly appreciate the trust he gave me.” 

Kasabay naman ng paghingi din ng apology ni Jillmer bilang representative ng TV5, “this won’t happen again because we respect all OPM musikeros po.”

Pareho naman itong tinanggap ni Vehnee at ayon sa kanya ay sapat na yung nabigyang linaw lang ang lahat at may pagkakaisa pa din sa pagtulong-tulong na i-angat pa ang OPM sa bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles