Mixed reactions ang netizen sa magandang announcement ni meme Vice Ganda na very soon ay muling mapapanood ang isa sa mga paboritong shows niya on TV na ‘Gandang Gabi Vice.’
Marami ang natuwa at nanabik pero may mga tumaas naman ang kilay dahil sa earlier announcement, mukhang sa GMA 7 daw ito mapapanood?
Sa isang panayam, sinabi ni Vice na nasa estado siya uli ngayon na puno ng excitement, buhay na buhay ang kanyang mga ideya at pakiramdam at nasisiyahan siya sa pagkakaroon ng pagkakataon na makatuntong, mapanood at makatrabaho ang mga mahuhusay ding taga-TV production mula sa lahat ng networks, ABS-CBN, TV5 at GMA 7.

Kamakailan nga ay kinuha siya ng Media Quest ng TV5 para maging bahagi ng kanilang programming para sa naturang network at makapag-produce ng content/shows para sa Kapatid network.
Kaya naman ng ini-anunsyo ni Mam Cory Vidanes, Senior Vice-President ng ABS-CBN 2 at head ng programming nito, na muli nilang ibabalik at bubuhayin ang TV show na nagpasikat kay Vice Ganda, lubos-lubos ang reaksyong-masaya ng sikat na TV host-actor-producer-content provider.
“Wala namang magiging conflict kasi existing show na siya at property ng ABS-CBN. If ever nga, ang GMA 7 ang magiging partner network nila dahil magiging bahagi pa rin ito ng existing collaboration at agreement ng dalawang networks. IBa naman yung magiging papel ni Vice sa TV5 via Mediaquest dahil mga original shows/concepts at bagong programs yung gagawin niya, not necessarily na siya ang bibida, kundi part siya ng Creative , Program Building,” pahayag ng isang mataas na ehekutibo ng Kapamilya network.
“Malinaw naman na hindi ito magkakaroon ng conflict in terms of airing at pagpapalabas sa mga platforms nila. Baka nga magkaroon pa ng maganda at dagdag na collaboration,” dagdag pa ng same source.
Kantiyaw ng ilang netizen na sinasariwa pa din ang nooý madalas na pagpaparinig ni Vice laban sa GMA7, lalo na yung naging isyu niya kay Ms. Jessica Soho, “wala na talagang moralidad ang ‘bak…’na iyan. Kain suka.””
Kahit pa daw napapanood na ang It’s Showtime sa GMA 7, hindi pa nga daw nagkaroon man lang ng pagkakataon na ‘mapatawad’ ng award-winning broadcast journalist at may mataas na posisyon sa Kapuso network si Vice Ganda.
Kung paano daw itong lulutasin ng mga kinauukulan ay siya nating malalaman sa mga susunod na panahon.


