Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Vic Sotto-Vice Ganda, may nilulutong project kaya nagbabatian on air?

Usap-usapan nga sa online world ang masayang pagbabatian nina meme Vice Ganda at bosing Vic Sotto sa mga respective shows nila na Eat Bulaga at It’s Showtime last Friday, July 3.

This Saturday, July 4, muli itong inulit ni meme Vice nang imbitahan niya on air sa isang “meeting” si bosing Vic ngayong Linggo, July 5, sa Cubao, QC.

Ayon pa kay Vice, sobra daw siyang kinilig sa naging gesture ni bosing Vic nang i-acknowledge nito ang kanyang pagbati at sinabihan pa siyang need nilang mag-usap ng masinsinan. 

Kaya naman kung mayroon umanong oras ang main host ng EB, kailangan nilang magkita at mag-usap sa Cubao ngayong Linggo.

Nauna nang binati ni meme Vice ang main host ng EB na si bosing sa isang portion ng It’s Showtime, na agad namang ina-acknowledge ni bosing Vic.

Ikinatuwa ito ng parehong madlang pipol at dabarkads dahil maganda at positibong senyales umano yun ng pagkakaroon ng mas ‘harmonious’ na relasyon ng parehong noontime shows na matagal na din namang pinag-aaway ng mga ratings at kani-kanilang audience.

Subalit may ibang nababasa ang mga netizen sa online world kasabay ng paglabas ng mga balitang baka matuloy na raw finally ang noon pang binabalak na movie project na pagsasamahan ng dalawang maituturing na superstars ng showbiz.

Ayon pa sa mga netizen na naniniwalang kapwa kapitalista bilang mga movie producers ang dalawang big stars kaya’t hindi imposibleng makahanap sila ng paraan para magamit ang mga sitwasyon para mas pag-interesan ng madla ang kanilang napapabalitang pagsasama sa isang movie project.

At dahil malapit na naman nga ang taunang Metro Manila Film Festival, marami ang nagsasapantaha na perfect timing ito para ituloy gawin ang noon pang pinaplano nilang pagsasama.

Matatandaang muling uminit ang kumpetisyon ng dalawang noontime shows nang maging kontrobersyal si Kim Chiu nang banggitin at gawing katatawanan ang name ni Ryzza mae Dizon sa isang segment ng It’s Showtime.

At dahil kung saan-saan na dinala ng insidente ang usapin at ginawa na itong pulutan ng mga Marites at mga tsismosa sa showbiz lalo na yung mga tagasubaybay nila sa noontime shows nila, may mga nakaisip daw na gawin itong positive by having the two main hosts as “diverters” at i-push ang possible movie team up.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles