Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sofia Andres, binatikos sa muling pag-follow kay Daniel Padilla

Nakatikim ng backlash mula sa mga netizen at fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang aktres na si Sofia Andres.

Tinawag nilang oportunista, plastik, starlet forever, ahas at taksil si Sofia matapos nitong muling i-follow si Daniel sa kanyang socmed account na IG.

Matatandaang kabilang si Sofia sa circle of friends noon ng KathNiel na laging kasama at katropa sa mga noo’y lakad, movie and tv projects nina Daniel at Kathryn.

Kahit ang kanilang mga extended families ay naging magkakaibigan din hanggang sa dumating na nga ang oras na nagkaroon ng isyung ‘cheating at hiwalayan’ sina Kath at DJ.

Isa din si Sofia sa mga maagap na kumampi at nagbigay ng suporta kay Kath na para sa kanya ay siyang higit na naapektuhan sa pagtatapos ng KathNiel tandem.

At dahil muling nag-follow si Sofia kay DJ, hindi ito tiningnan bilang magandang pangyayari ng mga tagahanga at supporter nina Daniel at Kath dahil ayon pa sa kanila, pagiging oportunista daw ito at kawalan ng respeto bilang isang kaibigan.

Kamakailan lamang ay nakatikim din ng pagbatikos si Sofia dahil sa pagbansag ditong ‘oportunista at sawsawera’. 

Sa gitna kasi ng kontrobersya sa pagkamatay ng dalawang Ateneo basketball players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili, bigla na lang daw itong nakitang pumunta sa burol ni Baterbonia sa Talacogon, Agusan del Sur, kahit daw wala naman itong ‘kuneksyon’ sa pamilya ng nasawi.

May escort pa daw itong pulis nang makidalamhati sa yumao at todo post pa itong akala mo daw ay malapit na kaibigan at kilala ang nasawing basketball player.

“Oportunista, clout chaser, user, hindi nakapagtatakang starlet pa rin siya hanggang sa ngayon,” ang kantiyaw ng netizen sa aktres na asawa ni Daniel Miranda, anak ng bilyonaryong nagmamay-ari ng mga negosyong alahas, cars, restaurants, mula sa angkan ng mga Lhullier.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles