Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Undeclared properties? P6M Matina, P3.45M Samal properties walang eksaktong katapat sa SALNs ni VP Sara

Walang nakitang eksaktong one-to-one match sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALNs) ni Vice President Sara Duterte para sa dalawang property records ng kanyang asawang si Atty. Manases “Mans” Carpio na iniharap sa Senate impeachment trial nitong Huwebes.

Pero hindi sinabi ng dalawang Register of Deeds officials na undeclared ang properties o may nilabag na batas si Duterte. Nilimitahan nila ang testimony sa paghahambing ng land records at SALN entries na ipinakita sa kanila.

Unang sinuri ang 379-square-meter property sa Matina, Davao City na nakapangalan kay Carpio.

Ayon kay Davao City Register of Deeds Atty. Kathy Florence Baldonado, active ang titulo at nakasaad dito na married si Carpio kay Sara Z. Duterte Carpio.

“Batay po sa aming record, sir, ang consideration po dito ay P6 million,” sabi ni Baldonado.

July 2, 2024 ang deed of sale. May annotation din sa titulo ng P8-million real-estate mortgage na ginawa nina Carpio at Duterte pabor sa Philippine Savings Bank noong August 27, 2024.

Nang ihambing sa 2025 SALN ni Duterte, may P10-million property entry sa Barangay 76-A at P2-million entry sa Dumoy, pero walang entry na P6 milyon ang acquisition cost.

“Walang one-to-one, unless later on it is explained and shown to us which one it is, and if it is one of these,” sabi ng presiding officer.

Iginiit ng defense na ang Matina Crossing ay kilala rin bilang Barangay 76-A at posibleng sakop ng isang SALN entry ang property. Iniwan ng presiding officer sa defense ang pagpapatunay nito sa cross-examination.

“Wala pong nag-match,” ani Baldonado.

“Pero ang purchase price po dito ay wala pong P6 million,” dagdag niya.

Sinuri rin ang 751-square-meter property sa Island Garden City of Samal na nakapangalan kay Carpio.

Ayon kay Acting Samal Register of Deeds Atty. Marco K. Pineda, March 15, 2018 ang deed of absolute sale.

“Ang nakasulat po rito ay P3,453,849. Nasa pangalawang pahina po ng deed of absolute sale,” sabi niya.

Inihambing ito sa 2019 SALN ni Duterte batay sa halaga, lokasyon at taon ng acquisition.

Nilinaw ni Pineda na land titles, hindi SALNs, ang hawak ng kanyang opisina at hindi siya nagbibigay ng legal conclusion.

“Based on that premise, nothing in this SALN perfectly matches the deed of sale,” ani Pineda.

Magkaibang transactions ang dalawang property. Ang 2024 Matina purchase ay inihambing sa 2025 SALN, habang ang 2018 Samal purchase ay inihambing sa 2019 SALN. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles