Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Truck sumobra sa load limit, detour bridge sa Ilocos Sur bumigay

Bumigay ang Kaliwet Bailey detour bridge sa Barangay Nalasin, Santo Domingo, Ilocos Sur nitong Sabado matapos daanan ng 20-ton, 10-wheeler truck na lampas sa 5-ton load limit.

Nagpakilos na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga team para suriin ang nasirang tulay at ayusin ang daloy ng trapiko sa lugar.

Sa pahayag ng DPWH, nasa site na ang kanilang mga tauhan para pamahalaan ang trapiko sa temporary 20-ton-capacity bridge. Ito ang magsisilbing detour habang nire-restore ang permanent bridge.

Pananagutin din ng DPWH ang truck operator.

Pinayuhan ang mga motorista na sumunod sa load limits para matiyak ang kaligtasan sa mga tulay at kalsada. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles