Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Trend Micro PH: Mas malapit na ugnayan ng gobyerno at pribadong sektor, kailangan sa ligtas na paggamit ng AI

Nanawagan ang mga eksperto ng mas mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor para matiyak ang ligtas at etikal na paggamit ng artificial intelligence o AI, kasabay ng paglawak nito at paggamit rin ng mga scammer.

Sa isang briefing, sinabi ni Ryan Flores, Threat Research Director ng Trend Micro Inc., na mabilis nang ina-adopt ng mga kumpanya ang AI.

Ayon sa kanya, napipilitan ang mga negosyo na sumabay sa teknolohiya dahil sa kompetisyon. “Companies both here and overseas are pressured to adapt to AI because the competitors are the ones who are adopting and implementing it themselves,” aniya.

Sinabi ni Flores na patuloy pang inaaral ng mga pamahalaan ang mga patakarang kailangan para sa ligtas at wastong paggamit ng AI. “Governments are still exploring the policies that they need to put in place for safe adoption, safe deployment, and also ethical use and deployment of AI,” dagdag niya.

Binigyang-diin niya na hindi dapat gobyerno lang ang gumagawa ng mga hakbang, kundi kailangan ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor. “So, I think it’s up to the organizations to also be on top of these things,” sabi niya.

Para kay Flores, may papel din ang gobyerno sa regulasyon at edukasyon ng publiko. “The government can exert pressure on the AI developers, AI vendors, and also educate the public on what this new technology is about and how to handle this new technology,” aniya.

Ayon naman kay Ian Felipe, country director ng Trend Micro Philippines, mahalaga ang pakikipagtulungan ng gobyerno sa pribadong sektor para sa ligtas na paggamit ng AI.

Sinabi ni Felipe na ang mga kumpanyang may malawak na research sa AI ay maaaring magbahagi ng impormasyon na magagamit ng gobyerno para sa public education.

Sa gitna ng mabilis na pag-usbong ng AI, iginiit ng mga eksperto na kailangan ang koordinasyon ng gobyerno at pribadong sektor para matiyak ang maayos at ligtas na paggamit ng teknolohiya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles