Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Toyota PH nag-remit ng P23.66-B sa Customs sa unang 7 buwan

Umabot sa P23.66 billion ang customs duties at taxes na binayaran ng Toyota Motor Philippines Corp. (TMP) sa unang pitong buwan ng 2026, dahilan para maging pinakamalaking revenue contributor ito sa Bureau of Customs-Port of Batangas (BOC-POB).

Katumbas ng 16.4 percent ng kabuuang collections ng Port of Batangas mula January hanggang July ang remittances ng Toyota.

Dahil dito, kinilala ang TMP bilang Top 1 Import Revenue Collection Contributor sa 69th founding anniversary ng port district sa Bauan, Batangas noong August 17.

Gayunman, sinabi ng TMP na mas mababa ang customs payments nito kumpara sa parehong period noong nakaraang taon dahil sa macroeconomic pressures at mas mahinang vehicle demand sa gitna ng energy crisis sa unang pitong buwan ng 2026.

Sa kabila nito, nanatiling pinakamalaking revenue generator ng Port of Batangas ang automaker.

Ayon kay BOC-POB District Collector Carmelita Talusan, Port of Batangas ang highest-performing customs collection district sa bansa mula January hanggang July. Patuloy nitong nalampasan ang revenue targets at nag-ambag ng halos isang-kapat ng nationwide customs collections.

Naitala rin ng port noong July ang pinakamataas nitong monthly collection sa 69-year history nito, bunsod ng malalaking kontribusyon mula sa automotive at energy stakeholders.

Sinusuportahan ang import operations ng Toyota ng Batangas Vehicle Center nito na malapit sa port, kaya mas mabilis na naipapasok sa supply chain ang imported vehicles.

May Authorized Economic Operator Level 2 certification din ang TMP, na ibinibigay sa mga kumpanyang nakatutugon sa mga requirements ng customs para sa trade compliance at supply-chain security.

Ayon sa TMP, nakatutulong ang patuloy nitong partnership sa BOC para maging episyente ang vehicle imports habang nagbibigay ng malaking revenue sa gobyerno. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles