Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Green Lane investments umabot sa P6.36-T; 87% nasa pre-development pa

Umabot sa P6.36 trillion ang 244 strategic investment projects na nabigyan ng Green Lane status ng gobyerno hanggang July 31, pero halos 87 percent ng kabuuang halaga ay nasa pre-development stage pa.

Batay sa datos ng One-Stop Action Center for Strategic Investments (OSAC-SI) ng Board of Investments (BOI), katumbas ng US$111.93 billion ang kabuuang pipeline, na inaasahang lilikha ng 425,454 trabaho. Nasa P1.90 trillion dito ang foreign investments.

Ang Green Lane ay mekanismong itinatag sa ilalim ng Executive Order No. 18 noong 2023 para pabilisin at gawing mas coordinated ang pagproseso ng permits, licenses, at iba pang government approvals para sa strategic investments. Sa pamamagitan ng OSAC-SI, tinutulungan ang qualified projects na makipag-coordinate sa national government agencies at local government units upang mabawasan ang delays sa regulatory requirements.

Sa January hanggang July 2026, 22 projects na nagkakahalaga ng P391.84 billion ang nabigyan ng Green Lane status, na may projected 44,235 jobs.

Sa kabuuang pipeline, 166 projects na P5.52 trillion ang nasa pre-development, 46 na P368.64 billion ang under construction, siyam na P190.21 billion ang nasa pre-operation, at 23 na P286.17 billion ang operational.

Renewable energy ang pinakamalaking sektor, na may 187 projects na P5.46 trillion o 86 percent ng kabuuang investment value. Dito, 153 projects na P4.96 trillion ang nasa pre-development, 21 na P263.83 billion ang under construction, at siyam na P39.75 billion ang operational.

Sampung renewable energy projects na P137.47 billion ang tinanggal sa Green Lane list matapos isuko ang kanilang service contracts sa Department of Energy.

Sa public-private partnership, infrastructure, at water sector, anim na projects ang nagkakahalaga ng P416.75 billion, pero P416.47 billion dito ay mula sa apat na pre-development projects.

May 10 digital infrastructure projects naman na P405.12 billion, kung saan P235.63 billion na ang operational.

May 33 food security projects na P19.68 billion at pitong manufacturing projects na P67.05 billion. Kasama rin sa Green Lane pipeline ang pharmaceutical projects.

Sa P6.36-trillion pipeline, malaking hamon ngayon ang pag-usad ng mga proyekto mula pre-development patungo sa aktwal na construction at operations. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles