Umuusad ang kumpiyansa ng mamimiling Pilipino sa simula ng 2026, pero kasabay nito ang paglaki ng pag-aalinlangan sa mga susunod na buwan, ayon sa mga survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ipinapakita ng resulta ang maselang sitwasyon na kinakaharap ng mga policy maker habang binabalanse ang panganib sa inflation at ang unti-unting paghina ng momentum ng ekonomiya.
Noong unang quarter, nag-improve umano ang consumer confidence, senyales ng paghupa ng pesimismo sa kasalukuyan. Ikinabit ito ng mga sambahayan sa “expectations of higher income, steadier jobs, and more working family members.” Dahil dito, may indikasyon na mananatiling matatag ang domestic demand sa malapit na panahon, isang mahalagang sandigan ng paglago ng ekonomiya.
Hindi ganoon ang tanaw paglampas ng kasalukuyang quarter. Humina ang optimismong pangmatagalan, lalo na para sa natitirang bahagi ng 2026. Sa survey, itinuro ng consumers ang pangamba sa “rising prices and governance issues that may affect public services.” Ang mga isyung ito ay sumasalamin sa araw-araw na karanasan ng mga sambahayan at diretsong tumatama sa kanilang inaasahan sa hinaharap.
Sa kabila ng mas maingat na pananaw, nanatiling kontrolado ang inflation expectations ng mga mamimili at nasa loob pa rin ng target range ng BSP. Nagbibigay ito ng espasyo sa central bank para umiwas sa agarang paghigpit ng polisiya, lalo na kung layunin na hindi masakal ang paglago habang humihina ang kumpiyansa sa ibang bahagi ng ekonomiya.
Mas madilim ang larawan sa panig ng negosyo. Bumagsak ang business sentiment at lumipat sa pesimismo para sa kasalukuyang panahon at sa susunod na quarter. Ayon sa mga kumpanya, ang sentrong alalahanin ay “concerns that higher fuel costs, linked to geopolitical tensions in the Middle East, will squeeze consumer spending and raise operating expenses.” Ang takot sa mas mataas na gastos at mas mahinang demand ay malinaw na bumabalot sa kanilang pananaw.
Bagama’t inaasahan pa rin ng mga negosyo ang paglago sa susunod na taon, kapansin-pansin ang malaking bagsak ng kumpiyansa kumpara sa naunang mga survey. Ipinapakita nito ang lumalawak na agwat sa pagitan ng kasalukuyang ginhawa ng consumers at ng mas maingat na pagtaya ng mga kumpanya sa hinaharap.
May konkretong epekto na ang pag-iingat. Nagsisimula nang bawasan ng ilang negosyo ang hiring plans, senyales ng mas mabagal na job growth sa mga darating na buwan. May ilan pa ring tutuloy sa mga naunang nakaplanong investments, pero mas malinaw ang pagbagal ng diskarte. Kasabay nito, inaasahan ng mga negosyo ang pagtaas ng inflation, kahit sinasabing nasa loob pa rin ng tolerance band ng central bank.
Para sa monetary policy, malinaw ang tensyon sa mga desisyon. Sa isang panig, ang nakaangkla na inflation expectations ng consumers at ang humihinang business confidence ay nagtutulak ng pag-iingat sa mabilis na pagtaas ng interest rates, para hindi maapektuhan ang paglago. Sa kabilang panig, ang panganib ng mas mataas na presyo ng langis na pumasok sa mas malawak na inflation ay nagdadala ng presyur na kumilos kapag naging tuloy tuloy ang pagtaas ng presyo.
Anang BSP, sila ay “closely monitoring these developments and stands ready to act if needed.” Umaasa ang ahensya sa consumer at business surveys bilang gabay na paunang babala, para iakma ang palisiya habang nagsasalubong ang mga panganib mula sa Middle East at ang lokal na kondisyon ng ekonomiya. /Bistado


