Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Telcos makikipagtulungan sa NTC para pabilisin internet

Makikipagtulungan umano ang DITO Telecommunity, Globe Telecom at Smart Communications sa National Telecommunications Commission (NTC) habang hinaharap nila ang show-cause orders kaugnay ng mahinang mobile broadband service sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Nag-ugat ang aksiyon sa September revalidation ng NTC na walang nakitang makabuluhang improvement sa mga lugar na may problema mula pa noong una at ikalawang quarter ng 2026.

Tinukoy sa Globe ang Manila, Makati at Quezon City. Sa DITO, San Juan, Pasay at Las Piñas, habang Parañaque, Manila at Pasig naman sa Smart.

Nahaharap ang bawat telco sa P100,000 daily penalty hanggang maitama ang identified service deficiencies.

Sinabi ng Smart na fully cooperating ito sa NTC at rerepasuhin ang findings ng regulator kasama ng sarili nitong network data at independent performance assessments.

Itinuro rin ng Smart ang Oplan Bantay Signal reports ng Department of Information and Communications Technology para sa July at August 2026, kung saan nakakuha ito ng overall “Good” rating.

Noong August, nagtala ang Smart ng score na 80.2 at average download speed na 52.13 Mbps. Ayon sa naturang assessment, ito ang pinakamabilis na mobile network, walang naitalang crisis city sa loob ng apat na sunod na buwan at lahat ng measured areas ay lumampas sa 15 Mbps.

Binanggit din ng Smart ang pagkilala ng Ookla bilang Best Mobile Video Experience sa bansa sa unang kalahati ng 2026, na may video score na 72.82.

Sa Globe, sinabi nitong ire-review nila ang show-cause order at magsusumite ng formal response sa loob ng 15 araw na ibinigay ng NTC.

Nakikipag-usap na rin umano ang DITO sa regulator tungkol sa order.

Magkaiba ang ipinakikitang larawan ng regulatory findings at independent assessments. Habang may malalakas na performance ratings na binabanggit ang telcos, sinabi ng NTC na nanatiling mahina ang serbisyo sa mga partikular na lugar na sinuri nito.

Hindi rin limitado sa Metro Manila ang pagbabantay.

Ayon sa NTC, regular na nagsasagawa ang regional offices nito ng mobile broadband validation sa buong bansa. Quarterly ding ipinapaalam sa operators ang mga barangay na nakitaan ng weak o walang signal para maipatupad ang kinakailangang improvements.

Kasunod ng Metro Manila action, naghahanda ang NTC ng enforcement sa iba pang lugar kung saan makukumpirma ang problema sa mobile broadband service. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles