Kabanata 75: Gas leak umano
Tahimik ang safe house.
Sa labas, patuloy ang mahina at malamig na ulan. Tumutulo ito sa bubong na kahoy, pino pero tuloy-tuloy, parang orasan.
Sa loob, nakapalibot sila sa maliit na sala.
Si Esther, nakabalot sa kumot, hawak pa rin ang rosaryo.
Si Claire, nakaupo sa tabi ni Jiro, may benda sa gilid ng noo.
Si Ariel, nakatayo malapit sa bintana.
Si Vega, nakaharap sa tatlong monitor sa gilid ng room.
Maya-maya, bumukas ang isang TV sa dingding.
Local news.
May aerial shot ng isang estate sa Scarsdale.
May usok.
May mga fire truck.
May mga pulis.
Napaupo nang tuwid si Jiro.
“Pa…”
Hindi sumagot si Ariel.
Sa screen, nagsalita ang reporter.
“Authorities are investigating an explosion at a private property in Scarsdale believed to have been caused by a gas leak. No further details have been released.”
Gas leak.
Napatingin si Claire kay Ariel.
“Gas leak?”
Tahimik si Ariel.
Napatingin siya kay Vega.
Vega nodded.
“Controlled narrative,” sabi nito.
Napalingon si Jiro.
“Controlled… ano?”
Umupo si Ariel sa tapat niya.
“Our team has taken care of the details,” sabi niya. “Walang dapat lumabas sa media tungkol sa Brennan. Walang Rueda. Walang tungkol sa inyo.”
Napakunot ang noo ni Jiro.
“So… tinakpan niyo?”
“Pinrotektahan namin,” sagot ni Ariel.
“Magkaiba ’yon.”
Tahimik si Jiro.
Sa screen, patuloy ang footage.
Firefighters. Flashing lights. Yellow tape.
Pero walang binanggit tungkol sa putukan.
Walang vault.
Walang Adrian Brennan.
Walang nagtangkang dumukot sa kanya.
Parang hindi nangyari.
“Ganyan pala kadaling baguhin ang balita?” tanong ni Jiro.
Napatingin si Claire sa kanya.
Hindi agad sumagot.
Si Ariel ang nagsalita.
“Hindi madali.”
Huminga siya nang malalim.
“Mahal.”
Mas lalo siyang natahimik.
“Pero kailangan.”
Si Esther, na kanina pa tahimik, napabulong.
“Diyos ko, kung sa balita gas leak lang, paano na lang yung totoo…”
Walang sumagot.
Dahil alam nilang lahat ang sagot.
Mas malaki ang totoo kaysa sa kaya ng publiko.
Maya-maya, pinatay ni Vega ang TV.
“Sir,” sabi niya kay Ariel.
“We need to move.”
Napatingin si Claire.
“Saan?”
“Out of New York,” sagot ni Vega.
“Scarsdale is compromised. JFK was compromised. The road transfer was marked.”
Tumango si Ariel.
“Washington, DC.”
Napakunot ang noo ni Jiro.
“Washington?”
“The capital,” sabi ni Ariel.
“Bakit doon?” tanong ni Claire.
Mas naging seryoso ang mukha ni Ariel.
“Mas malakas ang security force natin doon.”
“Mas maraming diplomatic and federal channels.”
“Mas maraming mata.”
Dagdag ni Vega, “And Brennan wouldn’t dare move openly in the territory of the US president.”
Tahimik.
“Wouldn’t dare?” ulit ni Claire.
“Hindi ibig sabihin hindi sila gagalaw,” sagot ni Ariel.
“Ibig sabihin mas mahirap.”
Napalunok si Jiro.
“Parang chess…”
Napatingin si Ariel sa kanya.
“Oo.”
“Tapos ako yung king?”
Bahagyang napangiti si Vega.
“Not yet.”
Tumingin nang matalim si Claire kay Vega.
“Don’t joke.”
Ibinaba ni Vega ang tingin.
“Yes, ma’am.”
Napaharap si Ariel kay Jiro.
“Hindi ka pawn, anak.”
“Hindi ka rin bait.”
“You are my son.”
Mahina ang boses.
Pero buo.
“And I will move the world before I let them touch you again.”
Saglit na katahimikan.
Sa labas, mas lumakas ang ulan.
Tumayo si Vega.
“We leave in twenty minutes. Light bags only. Everything else follows.”
Napatingin si Esther sa maleta.
“Light bags? Eh kakabili lang ng maleta…”
Hindi napigilan ni Jiro ang mapangiti.
Hindi dahil masaya.
Kundi dahil kahit sa gitna ng panganib, si Esther pa rin iyon.
Pinisil ni Claire ang kamay ni Esther.
“Dadalhin natin ang mahalaga.”
Napatingin si Jiro sa kanila.
“Ano yun?”
Tumingin si Claire sa kanya.
“Tayo.”
Tahimik.
At sa safe house na iyon, habang ang mundo sa labas ay naniniwalang gas leak lang ang sumira sa isang mansion sa Scarsdale, naghanda ang pamilya Rueda na tumakas muli.
Hindi pabalik sa anino.
Kundi papunta sa isa pang teritoryo.
Mas maliwanag.
Mas bantay.
Mas delikado.
Washington, DC. /Itutuloy sa susunod na kabanata


