Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Talent Manager Lito de Guzman, muling nasuot sa iskandalo; Ynez Veneracion, nalulungkot at nagdarasal

Muling pinag-uusapan sa apat na sulok ng showbiz at maging sa mundo ng pulitika ang pagkakahuli ng NBI o National Bureau of Investigation sa kilalang talent manager na si Lito de Guzman.

Sa pamamagitan ng isang entrapment operation base sa mga reklamong nakarating sa NBI mula sa mga private citizen at ilang “showbiz insiders” na diumano’y niloko ni de Guzman sa mga showbiz dealings,gaya ng film production, TV booking  at iba pa, may mga nagkaso din sa kilalang talent manager ng human trafficking.

Ayon sa napag-alaman ng BISTADO mula sa mga sources sa NBI, nahuli nila s de Guzman kasama ang ilang mga female talents na kilala din sa VMX o yung production outfit under Viva Entertainment na gumagawa ng for adult content na palabas.

“Supposedly ay may Japanese clients na kunwaring kukuha ng mga female talents sa kanya. Carrying our warrant of arrest, we initiated the operation,” saad ng informant ng BIstado mula sa NBI.

Naganap daw ito sa isang nirentahang silid sa isang sikat na five-star hotel sa Manila last Tuesday, July 28.

Maayos naman umanong sumunod si de Guzman subalit nang ito’y kanilang imbestigahan, ito na mismo ang nagtanong kung siya ba’y hinuhuli ng dahil sa plano umano nina Batangas Congressman Leandro Leviste at dating Cong. Jing Paras, para i-frame up si Executive Secretary Ralph Recto at ilan pang opisyal ng gobyerno, under PBBM leadership.

“Of course we tried our best to get info from him. True enough, he has in his phone conversations and even videos of his meeting with former Congressman Paras, and alleged lawyer of Cong. Leviste,” dagdag pa ng Bistado source na  naglahad pang dinetena nila sa kanilang tanggapan si de Guzman.

Ang mga kumakalat ngayong balita ay pinabubulaanan ni Leviste at naglabas pa ito ng mga FB posts na tumatanggi at may pa-cryptic post pang tumutukoy umano sa ibang Mambabatas.

Sa ngayon ay balitang sinampahan na si de Guzman ng ‘human trafficking case’ sa DOJ o Dept. of Justice at magkakaroon siya ng unang hearing ngayong Agosto 3.

Ynez Veneracion, nalulungkot at nagdarasal para sa dating manager, kuha ng Bistado

Samantala, balita namang hindi siya pinabayaan ni mismong VIVA Entertainment big boss Vic del Rosario. Bukod sa tulong legal, nagpadala pa ito umano ng perang posibleng magamit sa kaso at pinagpayuhan ang mga artistang hawak ni de Guzman na huwag nilang iwanan sa ere ang kanilang manager.

Nakilala si de Guzman bilang manager ni Ynez Veneracion na nasangkot din noon sa kaparehong modus at nang pamosong Baywalk Bodies, na noo’y ipinantapat sa Viva Hotbabes.

Meanwhile, tunangka naman ng BISTADO na hingan ng pahayag o komento si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto bilang asawa ni ES Ralph, subalit wla pa itong tugon hanggang sa ngayon.

Ayon sa isa sa kanyang mga PR at kaibigan,ipinauubaya na lang daw ni Gov. Vi sa NBI at DOJ ang masusi pang pag-iimbestiga at paglutas sa usapin.

Matatandaang minsan ng nasuot sa usaping ‘pambubugaw’ si de Guzman noong minsan niyang “ibook” si Ynez Veneracion noong  90’s sa isang pulitiko at na-entrap din sila sa pamamagitan naman ng programa noon ni Gus Abelgas ng ABS-CBN 2.

Sa isang event last July 31, isa si Ynez Veneracion sa mga celebrities na rumampa para sa MADDOX Jewelry.

Kinunan siya ng pahayag ng mga entertainment media friends tungkol sa bagong iskandalo na kinakaharap ng dating manager at ngayo’y kaibigan niya.

Saad ni Ynez, “alam ko ang feeling, ang kahihiyan and everything. Galing na kami diyan at iyan ang isang experience na nagpatatag sa pagkatao ko. I’m sad para sa kanya, Ipagdasal na lang natin na malampasan niya ito at mabigyan ng justice.Basta ako nandito para makatulong kung sakali, pero huwag muna nating pangunahan ang batas.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles