Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Josh Cullen ng SB19, hinangaan ng baseball fans

SB19 member Josh Cullen, sa kanyang ceremonial pitch sa game between Chicago White Sox versus New York Yankees, hours bago ang kanilang Lollapalooza guesting, kuha mula sa SB19 official FB page

Tunay namang nakakataba ng puso ang mga papuri ng mga mahihilig sa baseball sport para sa SB19 member na si Josh Cullen.

Hindi lang mga pinoy fans ang proud na proud kay Josh kundi maging ang mga ibang lahi sa tila sanay na sanay umano nitong pagbato ng bola sa isang kilalang laro.

Bago pa man nga naganap ang ngayo’y pinag-uusapang guesting ng SB19 sa Lollapalooza event sa Chicago, USA, nauna ng naging bida ang SB19 sa pamamagitan nga ni Josh na inimbitahang magtapon ng “ceremonial pitch” sa naging laro sa pagitan ng Chicago White Sox at New York Yankees.

Pinalakpakan at sinundan pa ng mga SB19 fans ang naturang very brief and yet very momentous pitching ni Josh sa saliw ng kanilang very popular hit na ‘GENTO.’

Nadagdagan pa ang mga humanga kay Josh nang talunin ng White Sox sa score na 6-5 ang New York Yankees. Ayon sa ilang sports sites, naghatid daw ng swerte ang SB19 para sa White Sox na nag-invite sa kanila.

Susog nga ng SB19 sa kanilang social media post, “It was an honor to represent the Philippines once again, this time on a different stage as the first pitch field representative for SB19.”

“Thank you, White Sox, for the incredible opportunity and warm welcome!” saad pa sa post.

Si Josh ngayon ang latest pinoy personality ng inaanyayahan sa naturang sport event kagaya nina Manny Pacquiao, Aleah Finnegan, Lea Salonga at marami pang iba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles