Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Super Typhoon Bavi papasok sa PAR, tatawaging Inday

Binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang Super Typhoon Bavi na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa pagitan ng Martes ng gabi, July 7, at Miyerkules ng madaling araw, July 8. 

Kapag nasa loob na ng PAR, tatawagin itong Inday.

Sa Tropical Cyclone Advisory No. 1 na inilabas alas-11 ng umaga nitong July 6, sinabi ng Pagasa na patuloy na kumikilos pa-west northwestward si Bavi malapit sa Northern Mariana Islands.

Dakong 10 a.m., huling namataan ang sentro ng mata ng bagyo sa layong 2,215 kilometers east of Southeastern Luzon, nasa labas pa ng PAR.

Taglay ni Bavi ang maximum sustained winds na 205 kilometers per hour malapit sa sentro, pagbugsong umaabot sa 250 kilometers per hour, at central pressure na 910 hPa. Kumikilos ito pa-west northward sa bilis na 20 kilometers per hour.

Umaabot hanggang 800 kilometers mula sa sentro ang strong to typhoon-force winds.

Ayon sa Pagasa, mananatiling super typhoon si Bavi pagpasok nito sa PAR, pero inaasahan ang gradual weakening habang gumagalaw ito malapit sa Extreme Northern Luzon at papalapit sa silangan ng Taiwan.

Habang nasa Philippine Sea, kikilos ang bagyo generally northwestward patungong Ryukyu Islands.

Mababa ang tsansa ng landfall sa alinmang bahagi ng Luzon, pero dahil sa lakas at lawak ng hangin ni Bavi, posibleng magtaas ng wind signals sa northern at eastern portions ng Northern Luzon pinakamaaga sa Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Pagasa, ang pinakamataas na wind signal sa buong pagdaan ng bagyo ay posibleng Signal No. 2 o 3.

Dahil may uncertainty pa sa radius ng malalakas na hangin, hindi rin isinasantabi ang posibilidad na magtaas ng wind signals sa eastern portions ng Southern Luzon at Visayas.

Inaasahang magsisimula ang gusty conditions sa malaking bahagi ng bansa sa pagitan ng Martes at Miyerkules dahil sa Southwest Monsoon o Habagat.

Palalakasin din ng enhanced habagat at ng bagyo ang pag-ulan sa northern at western portions ng bansa. Posible ring maglabas ang Pagasa ng Weather Advisory para sa inaasahang heavy rains.

Sa karagatan, inaasahang maglalabas ng Gale Warning pagsapit ng Miyerkules, July 8, dahil sa rough to very rough sea conditions sa northern at eastern seaboards ng Pilipinas.

Pinayuhan ng Pagasa ang publiko at mga concerned na disaster risk reduction and management offices na patuloy na bantayan ang mga update kaugnay ng bagyo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles