Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Strict reporting sa fuel storage capacity, ipinatupad ng DOE sa gitna ng energy emergency

Inatasan na ng Department of Energy (DOE) ang mga kumpanya sa oil industry na magsumite ng regular na ulat sa kanilang fuel storage capacity kasunod ng umiiral na State of National Energy Emergency sa ilalim ng Executive Order No. 110, at sa gitna ng dumadaming ulat ng fuel hoarding.

Sa advisory ng DOE, obligado ang lahat ng may-ari, umuupa, o operator ng oil depots at terminals na i-report ang kabuuan at available nilang imbakan ng langis. Layunin nitong mabantayan ang supply at agad makaresponde sa posibleng kakulangan.

Pinayagan din ang paggamit ng available storage facilities ng Philippine National Oil Company at PNOC Exploration Corporation para suportahan ang pangangailangan sa petrolyo.

Nagbabala ang DOE na ang hindi pagsunod ay maaaring magresulta sa regulatory action, kabilang ang suspensyon o kanselasyon ng permit.

Kasabay nito, pinaigting ng ahensya ang kampanya laban sa fuel hoarding, kasunod ng mga ulat ng kakulangan at pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa Philippine National Police, nasa pito na ang naitalang kaso ng hoarding at profiteering, na naitala sa Bicol, Eastern Visayas, Central Luzon, at Davao Region.

Naglabas din ang DOE ng guidelines laban sa hoarding na sumasaklaw sa mga kumpanya at consumer, kabilang ang labis na pagbili ng fuel. 

Nakikipag-ugnayan ang DOE sa Department of Justice, Department of Trade and Industry, PNP, National Bureau of Investigation, Bureau of Fire Protection, at mga lokal na pamahalaan para sa pagpapatupad ng mga patakaran. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles