“Three sentences lang, napapayag ko na,” bahagi ng kuwento ni Vice Ganda kung paano niyang napapayag maging co-host niya si Stell, isa sa mga sikat na members ng P-pop group na SB19.
Last Saturday ay napanood ng madlang pipol kung paanong makipag-bardagulan at magpakita ng kanyang tikas sa pag-host si Stell na umaming hindi nga niya puwedeng tanggihan ang imbitasyon ng kanyang ate Vice.
Ayon sa tsikahan ng dalawa ng i-welcome si Stell sa portion ng “Laro Laro Pick” sa It’s Showtime, kasalukuyang nasa ‘derma’ ang mahusay na singer-performer nang matanggap niya ang tawag ni meme Vice.
Although hindi daw niya ito agad na nasagot, alam daw niyang may kailangan ang ate niya kaya’t nang siya na ang tumawag at sabihin nga nitong iniimbita siyang maging co-host nito noong June 6, “agad akong umo-o. Ikaw iyan eh, ate Vice kita, paano ako tatanggi,” sambit ni Stell.
Giliw na giliw ang madlang pipol sa studio pati na yung nasa socmed dahil agad ngang nag-trending lalo na sa mga Ka’Atin at ka-Mahalima ang pag-anunsyo ni Vice sa kanyang socmed account na mayroon nga siyang magiging very special guest sa show.
“Kuya Vhong, Kuya Jhong, relax lang kayo diyan. Ako na muna ang bahala dito,” pakli pa ni Stell nang tila kantiyawan ni Vice ang mga sinasabi niyang “matatanda na at mga sakitin na niyang co-hosts” sa show kasama na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.
Naging masaya at very positive na tinanggap ng It’s Showtime audience at supporters ang guest co-hosting chore ni Stell at marami ang umaasa na masusundan pa ito sa mga susunod na araw.
May mga nag-suggest namang kering-keri din daw maging co-host ni Vice kahit sino kina Pablo, Ken, Justine at Josh, ang apat pang members ng SB19, dahil taglay daw ng mga ito ang husay at appeal na kayang tumawid sa lahat ng audience, mapabata man o matanda, girl, boy, bakla, tomboy.
Bukod sa pasasalamat ni Stell sa mga ka-Atin at ka-Mahalima, inimbitah din ang mga ito na suportahan ang kanilang bagong mga activities, kasama na ang pagpunta nila sa Chicago at Osaka.
Ayon nga sa naglabasang balita, “SB19 is set to make history as the first Filipino group to perform at Lollapalooza in Chicago in July.”
Ay ngayong August naman ay pupunta rin sila sa Osaka, Japan para mag-perform sa “Summer Sonic” ang biggest music fest naman sa bansang Japan.


