Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

SP Gatchalian: EV adoption dapat pabilisin para mabawasan dependence sa mahal na krudo

Pinapabilis ni Senate President Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) ang paggamit ng electric vehicles (EVs) sa bansa para mabawasan ang pagdepende sa imported na langis at mataas na presyo ng gasolina.

“The only way we can break our addiction to oil imports is to adopt EVs as quickly as possible,” sabi ni Gatchalian nitong Lunes.

Hinimok niya ang DOE na pabilisin ang pagpapatupad ng mga patakarang nag-aatas sa mga ahensya ng gobyerno na EVs lamang ang bilhin para sa kanilang sasakyan.

Ayon sa senador, 60 porsiyento ng oil import requirements ng Pilipinas ay napupunta sa sektor ng transportasyon.

Inaasahang aabot sa 100,000 ang rehistradong EVs sa bansa, mula sa 60,000 noong katapusan ng 2025.

Pero malaking hamon pa rin ang kakulangan sa charging stations.

Ayon kay Gatchalian, may mga reklamo mula sa EV buyers dahil sa limitadong pasilidad para sa pag-charge ng kanilang sasakyan.

Dahil dito, hinimok niya ang DOE na pabilisin ang pagtatayo ng karagdagang charging stations.

Target ng ahensya na umabot sa 7,000 ang charging stations sa susunod na dalawang taon, mula sa kasalukuyang 1,962. 

Para kay Gatchalian, mahalagang sabayan ng sapat na charging infrastructure ang pagdami ng EVs upang mabawasan ang konsumo ng imported na petrolyo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles