Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

21 indibidwal, ipinatawag ng CIDG sa P3.5B shabu na nasabat sa Laos

Ipinatawag ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 21 indibidwal na posibleng makapagbigay-linaw sa 521 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.5 bilyon, na nasabat sa Laos bago umano maipuslit sa Pilipinas.

Naharang ang droga sa Luang Prabang International Airport sakay ng private jet na nakatakdang bumiyahe patungong Manila.

Nauna nang kinilala ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang 11 persons of interest, kabilang si dating Bangsamoro parliament member Edriezan Hadji Nasser Rimbang, alyas “Sultan,” na pinaghihinalaang financier.

Kabilang din si Police Executive Master Sergeant Aileen Jayne Manalo Mendoza ng Philippine National Police Aviation Security Group, na umano’y tumulong sa pag-aayos ng hangar para sa eroplano.

Natukoy rin sina Abdulkarim Macalatas bilang umano’y tatanggap ng droga at Fahad Mulok Dibarosan, na naaresto sa Laos.

Batay sa imbestigasyon, nagmula sa Malaysia ang private jet bago nagtungo sa Laos at nakatakda sanang lumapag sa MAPTRA hangar sa Pasay City.

Nilinaw ni Remulla na hindi kailanman lumapag o lumipad mula sa Pilipinas ang eroplano.

Nauna nang inalis sa puwesto at isinailalim sa restrictive custody si Mendoza habang sinisilip ang posibleng paglabag sa airport security at pananagutan ng mga sangkot sa tangkang pagpupuslit ng droga. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles