Tuloy ang expansion ng SM Supermalls para umabot sa 100 malls pagsapit ng 2030 kahit may construction delays, mas mataas na operating costs, at maingat na paggastos ng consumers.
Ayon kay SM Supermalls President Steven Tan, inaasahang matatapos ang 2026 na may 91 malls ang kumpanya kasunod ng planong pagbubukas ng SM Nuvali sa November.
Na-delay nang ilang buwan ang ilang projects dahil sa construction at logistics problems, pero hindi binabago ng SM ang five-year expansion target nito.
“We are still focused on fulfilling our commitments to the public,” sabi ni Tan.
Kasama sa pipeline ang mga bagong malls sa General Trias, Bohol, at Malolos, pati ang redevelopment ng Harrison Plaza.
Kasabay ng expansion, mas matagal na rin ang oras na ginugugol ng consumers sa loob ng SM malls.
Mula sa dating humigit-kumulang dalawang oras, umakyat na sa tatlo hanggang tatlo’t kalahating oras ang average dwell time. Isa sa mga nakikitang dahilan ang mataas na fuel prices, na nagpapabawas sa kagustuhan ng mga consumer na bumiyahe sa magkakahiwalay na destinations para mamili, kumain, at maglibang.
“They consume everything in an SM mall. They do everything,” sabi ni Tan.
Umakyat din sa 96 percent ang occupancy rate ng SM mula 94 percent noong nakaraang taon at 92 percent bago nito. Tumaas din nang ilang percentage points ang foot traffic.
Malaki rin ang pagbabago sa tenant mix. Restaurants na ngayon ang bumubuo sa humigit-kumulang 30 percent ng tenants, mula sa mas mababa sa 5 percent noong 2004.
Habang papalapit ang Christmas season, sinabi ni Tan na patuloy na nagpapataas ng operating expenses ang mahal na kuryente at logistics disruptions.
Gayunman, nananatiling optimistic ang SM sa consumer spending ngayong year-end habang naghahanda ito para sa mas mahabang mall visits ngayong holiday season. /Bistado


