Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sir Manny V. Pangilinan, nagdaos ng kaarawan bilang ka-VIBE plus

Isa ang BISTADO sa mga media friends na bumati at nakisaya sa pagdiriwang ng kanyang ika-80 kaarawan ni TV5 top honcho sir Manny V. Pangilinan.

Sa programang VIBE na ngayo’y tatawaging VIBE Plus (VIBE+) ay espesyal ang naging pagdaraos ng live show dahil ‘dedicated’ sa biggest boss ng network ang palabas.

Sa mismong MVP Studios kung saan ginaganap ang show ay napuno ng kantahan, sayawan, palakpakan, hiwayan at masigabong pagbati ang mga regular hosts ng programa, ang mga bisitang artista at top executives ng mga kumpanya under MVP, ang STARWORX block 1 na inintroduce na sa show, ang mga piling panauhin, mga live audience at ilan pang mga empleyado ng Kapatid network.

Sa pangunguna ng mga hosts na sina Dylan Menor, Joao Constancia, Ryle Santiago, Ana Ramsey at Queenay Mercado, pasabog agad ang kanilang production numbers na naka-angkla sa tema ng “pasasalamat” para sa may pinakamataas na katungkulan sa Kapatid network, na si sir MVP nga.

Ang mga OPM powerhouses na sina Poppert Bernadas, Bituin Escalante, Ronnie Liang, Sheryn Regis at rock band Imago ang nagpasigla ng Most Vibe-tastic Party na regular na bahagi ng show ang pagbalik-tanaw sa mga OPM music.

Winelcam din bilang latest addition sa show ang napakahusay at viral sensation na si Gigi de Liana. Makakasama na ng mga regular hosts si Gigi tuwing Sabado.

Personal na bumati ang bida ng A Secret in Prague na si Enrique Gil kay sir MVP habang dala-dala nito ang isang birthday cake at pinamunuan ang pagkanta ng “Happy Birthday” sa big boss ng Kapatid network.

Naging highlight nga ng special na pagtatanghal ang pag-launch sa debut ng “STARWORX On VIBE”  kung saan magkakaroon na ang Block 1 (total of 16 artists) ng kanilang segment na aabangan ng kanilang lumalaking adoring fans and supporters.

Ayon nga sa head ng Starworx at director din ng VIBE+ na si Mr. M o direk Johnny Manahan, “Starworx on Vibe aims to become a regular platform where audiences can witness the growth, artistry and performances of STAR WORX talents through exclusive showcases, collaborations and special production numbers.”

Mapapanood ang VIBE) tuwing Sabado, 6PM sa TV5 with simultaneous livestreams sa TV5 Facebook Page at Youtube Channel.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles