Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Elisse Joson, nag-deny sa rich benefactor item

“Time to clear the air — not a kabit. Never was. 2026: minding my own business, building, and choosing peace,” ang bahagi ng naging tugon ng magandang si Elisse Joson sa tila pambu-bully ilang netizen na inakusahan siyang “kabit” umano ng isang pulitiko.

Matagal ng laman ng mga blind item si Elisse after ng naging hiwalayan nila ng aktor na si Mccoy de leon last 2025, subalit ngayon lang ito sumagot at ipinagtanggol ang sarili sa sobra na umanong malisyosong tsismis.

Sa kanyang IG post na pinagtatawanan ang paratang after niyang mag-post kasama ang isang mamahaling kabayo na tila nasa isa siyang farm, sinabi nitong,  “Leaving false narratives in 2025. Entering 2026 lighter.”

“Oh what a memorable riding day with Luna girl. Learned how to canter, had my first fall, and somehow left loving this sport even more.”  sey nito sa halata namang mamahaling klase ng kabayo na nilagyan nga ng malisya ng netizen. 

“Si ante na makapagflex e nangangabit lang naman ‘yan ngayon sa politician kaya nakakabili ng luho,” ang buong tapang na ipinaratang ng isang netizen sa post ni Elisse.

Tila kinukuwestyon pa ng mga basher ni Elisse ang mataas umanong ‘lifestyle’ nito gayung halos wala naman daw itong project sa showbiz?

May mga nagparatang pang pag-aari umano o sponsor ng sinasabing mayamang pulitiko ang farm o lugar kung saan nangangabayo si Elisse.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles