Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sikat na Showbiz Couple, magkahiwalay na ng room sa bahay

Kaugnay pa rin ng Marites-an ng mga kasamahan sa showbiz work, may usap-usapan pala ngayon na ang kilalang showbiz couple ay matagal ng hindi nagsasama sa iisang room sa kanilang bahay?

Ayon sa mga tsikahan, simula daw ng madiskubre ni sikat na aktres na asawa ng kilala ding TV-host actor na nagbunga pala ang noo’y tsismis lang na naka-relasyon ni TV host actor, nagkaroon daw ng “ruling” sa bahay nila na hindi na sila magsasama sa iisang room sa kanilang bahay.

May mga anak na din ang sikat na showbiz couple pero noong mga time daw na medyo may isyu sa kanilang mga respective careers and schedules, noon daw nagawa ni TV host-actor na makipag-relasyon sa isang taga showbiz din pero “off camera lady executive.” 

“Yun yung mga time na halos hindi na umuuwi si TV host-actor dahil super nag-rate ang mga shows nila sa TV lalo na noong nag-transform ito sa ibang platform gawa ng digital media,” saad ng isang Marites reporter.

“Oo, natsismis nga sila ng kanyang lady executive noon. Mga co-workers lang nila ang nakaka-alam pero nakarating eventually sa sikat na misis ni TV host. Naging sobra din kasing busy si sikat na aktres lalo’t nagkaroon din siya ng mga TV projects na sa abroad pa ginawa,” sabad naman ng isa pang Marites showbiz reporter.

Pagkatapos nga daw ng pandemic two years back, doon na na-discover na nagbunga diumano ang “minsang” pagtataksil ni TV host-actor kay sikat at award-winning misis nitong actress.

Nag-lay low na daw sa showbiz work si lady executive na “nakarelasyon” ni TV host actor, pero dahil may bunga ang kanilang minsang pagkakamali, hindi daw naiiwasang may kontak pa rin sila sa isa’t-isa lalo’t madami din silang common friends sa industriya.

At dahil ang sikat na showbiz couple nga ay may mga existing contracts as “ideal couple and family” need daw nilang panindigan ang “moral clauses” ng kanilang mga kontrata.

“Millions ang mawawala kapag na-violate nila yun. Grabe ding trauma at epekto sa maganda nilang careers kung maghihiwalay sila or if they will come out in the open or in public na may ganun nga silang sitwasyon. Kaya tiis-tiis siguro,” hirit pa ng mga Marites.

Ang sikat at award-winning actress daw ang nag-set ng naturang rule na dapat silang magkahiwalay na room ng asawang TV-host actor sa kanilang bahay at wala nga daw magawa ang lalaki kundi ang sumunod.

“Mahal naman talaga niya ang kanyang asawa at aminado itong siya ang nagkamali. At para na din sa mga anak nila kaya’t siya na itong nag-aadjust hangga’t tuluyan at completely ay mapatawad na siya ng asawa. And yes, para na din sa usaping ekonomiya lalo’t may mga kontrata nga silang milyones ang posibleng mawala kapag sumabog ang iskandalo,” komento uli ng mga Marites.

All in the name of love for money nga ba ang kasong ito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles