Kalat na kalat na sa mundo ng showbiz ang diumano’y espesyal na relasyon ngayon ng isang sikat na sikat na fashion designer at isang hunk actor- singer.
Ayon sa mga Marites, hindi na nagulat ang mga nakakakilala kay hunk actor-singer dahil dati pa umano itong nalink sa isang kilalang kilala ding TV personality na umano’y kumukopkop dito noong ‘struggling actor-dancer’ pa lang ito sa TV.
Subalit dahil may hitsura, talent, talino at mahusay din namang kumanta si hunk actor, mas pinili nitong maging singer kesa sumayaw sayaw lang sa TV.
Ginamit din niyang pasaporte noong panahon ng pandemic ang paglabas sa mga titilating movies kung saan naman kinarir niya ang pagpapaganda ng katawan at maging ilusyon ng sangkabaklaan at mga babae.
Hanggang unti-unti nga siyang nakilala at nabigyan ng break bilang aktor, sexy model endorser, concert artist at ngayo’y reliable star sa online series.
Dito na nga raw siya napansin ni sikat na sikat na fashion designer na noon pa ma’y kilala ng mahilig ‘mag-alaga at sumuporta’ sa mga hunk actors.
Marami ngayon ang nagugulat sa transformation ni hunk actor mula sa noo’y simpleng probinsyano at may ‘common look’ sa showbiz sa ngayo’y ‘very expensive’ aura nito dahil sa mga designer’s outfit at branding na ibinigay o ikinabit sa kanya ng sikat ma sikat na fashion designer.
Kilalang kilala si fashion designer hindi lang sa mundo ng showbiz kundi maging sa pulitika dahil siya ang laging kinukuha ng mga politiko na gumawa ng kanilang mga damit lalo na kapag nay importanteng mga ganap sa bansa o maging sa labas ng Pilipinas.
Ang latest chismax ay madalas daw na magkasama ngayon sina sikat na sikat na fashion designer at hunk actor-singer kahit wala namang opisyal na showbiz function or what.
Nakakatuntong na nga rin daw ng regular si hunk actor sa Malacañang ng dahil kay fashion designer.
Yun na ang bonggang clues!!!


