Gaya ng inaasahan, may mga showbiz celebrities na ginamit ang kanilang social media accounts upang ipahayag ang kanilang saloobin hinggil sa latest incident sa Senate noong Miyerkules, May 14.
Ilan sa kanila sina Jodi Sta. Maria, Anne Curtis, Janine Gutierrez, Kim Chiu, Mikoy Morales, Bianca Gonzales, Agot Isidro, Donny Pangilinan, Awra Briguela at iba pang netizen sa showbiz.
Halos lahat ay nagkakaisa sa pagtatanong kung bakit umabot sa ‘gunfire incident’ ang pangyayari at gaya ng mga ordinaryong tao ay nagtatanong din sila kung ano ang tamang protocol kapag may tinatawag na ‘lockdown.’
Sina Kim at Anne ay kapwa nagtatanong kung tama at nararapat pa ba ang asal ng mga Senador sa pangyayari.
Ikinahihiya naman nina Mikoy, Awra at Agot ang tila ‘pang-action movie at tila scripted’ daw na pangyayari sa harap ng media at mga police officers at mga Senador na nagsilbing mga “pawns” o tau-tauhan lang ng isang malaking palabas.
May ganting mga reaksyon naman ang madlang pipol.
Sey ng isa, “Kahanga-hanga yung mga artistang not playing safe…hindi takot ma-boycott just to speak up on national issues!
Yung iba kasi takot mawalan ng endorsements at fans, kaya mas pinipiling safe lang lagi sa posts.”
Sinagot naman ito ng isa, “C’mon, these celebrities are just following the instructions of their network. Sila yun orchestrated. But to be fair, Anne’s statement is the only one that makes sense so far compared to several celebrities.”
“Ramdam mo na medyo measured at safe pa rin yung posts nina Anne at Jodi Sta. Maria. Understandable naman as public figures, pero iba pa rin dating ng celebrities na willing talagang magsalita nang diretso kahit may matinding backlash mula sa supporters ng ibang panig & posibleng maapektuhan ang endorsements or image,” pahayag ng iba.
Korus naman ng marami, “Next time, pumili na kayo ng tama.” Politics is reduced to a matter of correct and incorrect choice. Because of what is happening now, the impeachment of Sara Duterte in Congress, shifting alliances in the Senate, and the ongoing standoff involving Bato dela Rosa, there is again a familiar refrain online… “Ayan, resulta ‘yan ng boto niyo noong 2022.” But I keep returning to that reaction with discomfort because it treats politics as if it were simply a test of judgment, as if what unfolded was only voter error rather than the repetition of a deeper structure.”
“Pumili ng tama. Lagi na lang ganyan. May tama bang pwede nating iboto? Sa totoo lang. Regardless of political color, wala akong makitang politiko na gusto ng pagbabago. Lahat pansariling interes ang gusto. Iyan lang naman pwede nating gawin– ang bumoto ng tama. kaso, daming cult members sa pinas, di na nag-iisip,” pag-analisa ng ilan.
May mga sumagot ding, “Na para bang pag bumoto tayo ng tama eh maayos na ang lahat. Eh sino ba ang tamang iboto eh pare pareho lang naman silang mga trapo. Dito mo rin makikita kung gaano ka out of touch mga celebrities. Palibhasa ngayon lang bumoto ang mga yan nung napasara na ang network nila at naapektuhan na sila. Pero dati deadma sila at nag eendorso pa ng mga politiko kapalit ng malaking halaga.”


