Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sen. Bong Revilla-Cong. Lani Mercado, nag-renew ng wedding vows

Nagmistulang eksena sa isang pelikula ang naganap na 40th anniversary celebration ng mag-asawang Bong Revilla at Cong. Lani Mercado, nitong May 28.

Nag-renew ng kanilang wedding vows ang mag-asawang aktor-pulitiko sa gitna ng kundisyon ng dating Senador na nakakulong nga sa New Quezon City Jail Male Dormitory sa Brgy. Payatas, Quezon City.

Ayon sa publicist nina Revilla at Mercado na si Gorgy Rula, matinding emosyon ang bumalot sa nasabing pasilidad nang ganapin ang simpleng seremonya ng renewal of vows ng mag-asawa.

“Mahigpit ang security. Hindi kami pinayagan na makakuha ng litrato man Maganda pa naman sana ang mga tagpo na kung saan nagbigay ng vows sina Bong at Lani sa isa’t-isa,” pahayag ni Rula.

Kuwento pa nito, “hindi lang silang dalawa ang nagkaiyakan, pati ang mga dumalo na miyembro ng pamilya, at ilang malalapit na kaibigan. May song number pa si Cong. Lani na ang una niyang kinanta ay ilang bahagi ng awiting Sana’y Wala Nang Wakas.” 

“Naniniwala ako na ang lahat ng ating pinagdaanan made us stronger individually and as husband and wife, Gaya ng sambit ng awiting Sana’y Wala Nang Wakas,” bahagi pa daw ng vow ni Congresswoman Lani sa dating Senador ng bansa.

Imbitado rin at kumanta ang singer na si TJ Monterde, na inawit ang sikat niyang song na “PALAGI.”

Sinabi pa ng singer, “40 years of marriage is indeed a lifetime”

Paputol-putol naman daw ang pagbibigay ni Bong ng kanyang mensahe kay Cong. Lani dahil sobra itong emosyonal sa nangyayari. Isipin nga namang sa bongga ng naging buhay nila ay naranasan nilang sa loob ng kulungan mag-renew ng vows. 

“Talagang mistulang eksena sa pelikula,” dagdag pa ng mga nag-witness na mga kaibigan nila, na limitado din lang umano ang ibinigay na oras at pag-stay sa nasabing facility.

Bahagi ng vow ni Bong,  “Mama, maraming beses kitang nasaktan. Maraming beses kitang binigyan ng dahilan para mapagod. Sorry for the heartbreaks. Sorry for the nights you cried silently so our children would never hear your pain. Sorry for every dream you quietly folded away so ours could survive. Forgive me for the moments I failed to show you how deeply I value you.”

“For the years when the noise drowned the simple words you deserved to hear every single day. Habang tumatanda ako, lalo kong nauunawan kung gaano kabigat ang pagmamahal na ibinigay mo sa akin,” ang umiiyak pang sambit ng dating Senador.

Sa loob nga ng 40 years nila as husband and wife,. ito na ang kanilang ikatlong beses na nagpakasal sila.

Una na diyan noong 1986 sa USA , sinundan noong 2000 at nito ngang 2026.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles