Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Heart Evangelista, pumayat dahil sa pag-aalala para kay Sen. Chiz

Sa mga teaser ng bagong show sa GMA7 kung saan nga main host si Heart Evangelista, marami ang nangangamba sa pisikal nitong anyo sa ngayon.

Pinansin ng netizen ang sobrang pagiging manipis at humpak ng mukha ni Heart, pati na daw ang halos labas na nitong mga buto.

Reaksyon ng netizen, “grabe na ang pagkapayat niya. Halatang matindi ang pinagdadaanan at iniinda niya ito. She can never hide it.”

“OMG, look at her. Gone were the beautiful smiles, the facial features that caught the attention of the global fashion community, and her poise, her voice seems changed, we pity her,” hirit naman ng ilan.

Although ngayong June 6 pa mag-premiere ang game show na “The People Have Spoken”, may mga teaser videos and photos ng kumakalat bilang promo nito.

Ito kasi ang magsisilbing kauna-unahang game show ni Heart bilang main host, malayo sa usual niyang ginagawa bilang isang aktres at fashion icon.

May mga balitang lumabas na nawalan ng boses si Heart during taping at paliwanag nito,  “It’s my first time hosting a game show. I must say, I lost my voice, but I’m very happy because I’m really a talkative person.”

Dagdag pa nitong grateful siya sa GMA 7 sa oportunidad na ibinigay sa kanya as game show host dahil finally nga daw ay magagamit na niya ang kanyang kadaldalan at pagiging makulit.  

“And I can be a tool to extending help to the contestants dahil may mga prizes involved,” hirit pa ni Heart na tila umiwas sa paglalarawan ngayon sa kanyang pisikal na anyo.

“What you see is what you get,” ang simpleng tugon naman ng ilang malalapit sa aktres hinggil sa pagiging sobrang payat nito sa ngayon.

“Natural naman siguro sa isang asawa na mag-alala o maapektuhan ng mga nangyayari sa asawa,” saad ng mga ito.

Isa kasi ang asawa ni Heart na si Sen. Chiz Escudero sa mga nahaharap sa posibleng mga sampahan ng kaso tungkol sa flood control scandal sa bansa.

Hindi man daw magsalita si Heart para sa asawa, kitang-kita naman daw sa kasalukuyang estado nito ang pinagdadaanan nilang “problema” ni Sen. Chiz.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles