Inatasan ng Korte Suprema si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magsumite ng komento sa loob ng 10 araw kaugnay ng petisyon na humihiling na sumailalim siya sa physical at mental examination, kabilang ang hair follicle drug test, sa gitna ng mga bulung-bulungan hinggil sa kanyang kalusugan.
Sa press briefer ng Supreme Court ngayong April 22 , inilahad na kumilos ang SC En Banc sa petisyon sa ilalim ng G.R. No. E-05860 na inihain nina Pantaleon D. Alvarez at iba pa laban kay Marcos at kay Executive Secretary Ralph Recto.
Ayon sa Korte Suprema, ang petisyon ay humihiling ng writ of mandamus para obligahin ang Pangulo na magpa-examine at ilabas ang medical report na magpapakita ng resulta ng naturang pagsusuri, kabilang ang “medical and clinical confirmation of his physical and medical fitness to discharge the powers and duties of the Presidency.”
“The SC, without necessarily giving due course to the petition, directed respondents to comment within a non-extendible period of 10 days from receipt of notice,” ayon sa SC. /Bistado


